Chapter 40

63 5 0
                                    

Dumaan pa ang ilang mga araw sa buhay ni Stella at Gino. Napapansin ng dalaga na madalas ang pagtulog ni Gino. Tipong kakagising pa lamang, maya-maya ay matutulog na naman. Pansin niya rin ang pamumutla nito at pagiging malamig. Lalo na ang kamay nito. Parati naman niyang tinatanong sa binata kung anong problema pero nginingitian lang siya nito pagkuway yayakapin ng mahigpit.

Nararamdaman niyang may hindi magandang nangyayari dito pero panay lamang ang pagdedeny nito. Minsan naaabutan nalang niya ang sarili niyang nakatitig sa binata. Habang mahimbing itong natutulog.

"What's happening to you Gino? Ano ng mangyayari sa atin? "

Ayaw niya ring iwan ito dahil sa tuwing nawawaglit sa kaniyang paningin ang binata ay pakiramdam niya napupunta siya sa ibang lugar. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kaniyang sarili.

May mga pagkakataon na dinadalaw siya ng estranghero. Isa lamang itong aninong nakatingin sa kaniya. Natatakot siya. Sobrang natatakot siya.

May iba sa estranghero. Sa tuwing nararamdaman niya ang presensiya nito ay nilulukob ng konsensiya ang kaniyang damdamin. Parang nagpaparamdaman ito dahil may ipinapaalala sa kaniya.

"Bakit ba ayaw mo akong lubayan? Iwan mo na ako! "

Gusto niyang sabihin kay Gino ang nangyayari sa kaniya pero sa tuwing ibubuka niya ang kaniyang mga labi ay iba na ang salitang lumalabas sa kaniya.

"I.... I don't have anything to say. Tara sa beach. Samahan mo akong mamulot ng mga shells. "Isang umaga pagkagising nila.

Naisipan ni Stellang maglakad lakad sa may beach para narin magkaroon ng kapayapaan ang ipo-ipo sa kaniyang puso.

"Sige. "Sagot naman ng walang kabuhay buhay na si Gino. Bukod sa kapayatan nito at pagkaputla,  kita niya rin na nanginginig ang kamay nito.

Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. Tiningnan niya ang brown nitong mga mata na unti-unti nang nawawalan ng buhay.

"Tell me,  how long are we going to escape life? "

Kinwento na ni Gino sa kaniya ang dahilan kung bakit kinidnap siya nito at ano ang puno't dulo ng lahat. Ni hindi siya nagreklamo o nagtanong man lang. Wala siyang naramdaman ni kahit anong galit sa mga Weinberg at gayon din sa mga Nichols.

Pinili ni Stella na intindihin na lamang ang side ng bawat isa. Ayaw na rin niya ng away o kung ano pa mang hidwaan. Nais niya lamang na mabuhay ng normal kasama ng mahal niyang si Gino.

Tumingala ang binata. "I'm waiting for the right time Stella. Can you wait a little longer? "Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at tinitigan siya. Kinabisado ang bawat sulok ng pisngi nito.

"I will never ever forget you. "

Nainis si Stella at pumiglas sa hawak ni Gino. Pansin na pansin kasi niya ang mga salita nitong may ibang ibig sabihin.

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Ang kaniyang puting bestida ay napapayid gawa ng malakas na hangin. Pilit niyang inaayos ang nagugulo niyang buhok hanggang sa nainis siya at pinabayaan na lamang ito.

Yumuko siya nang may makita siyang shell. Tinitigan niya ito.

Shell.

Hugis pusong shell.

Tumingin siya sa itaas. Iniharang niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga mata dahil nasisilaw siya sa araw.

Ano ba yan, ang sakit sa eyes ng ayaw.

Rays.

Araw.

Rays.

Araw.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon