CHAPTER 6

81 19 0
                                    

Napabangon naman bigla si Avel at nakita niya si Stella na namumutla, nanginginig at nag-iiyak sa sobrang pagkatakot.

"Stella, anong nangyayari sayo?" napatayo siya.

Napasandal naman si Stella sa pader. "Ugh..." di siya makapagsalita sa takot kaya iyak lang siya ng iyak.

"Hoy Stell ano ba?!" lumapit si Avel. "Anong--"

Napatigil nalang siya nang makita niyang tumaas ang ilang buhok ng dalaga na para bang mayroong naghawi nito. Napahilig si Stella na parang ayaw niyang magpahawak dito.

"S-Stella..."

"Ugh...ugh..."pinipilit niyang magsalita pero walang boses ang lumalabas sa bibig niya. Yung taong nakataklob ng kumot ay lumapit sa kaniya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang namumutlang mukha.

Napapikit siya nang hinaplos ng tao ang kaniyang pisngi. Ang malamig nitong kamay.

"Paalam..." napadilat nalang siya nang magsalita ang tao at pagdilat niya bigla nalang itong nawala. Tumulo ng sunod sunod ang kaniyang luha at napaupo siya sa sahig. Hindi parin niya magawang gumalaw.

"Stella! Stella!" Dali-daling lumapit si Avel at niyugyog ang balikat ng kapatid niya. "Stella, ano ba hoy?!" tinapik tapik niya ang pisngi ng dalaga.

"Ku-kuya?" nangihihina niyang bigkas..

"Oo Stella, si kuya 'to. You're safe now! Andito na ko."

"Kuya Avel!" Bigla siyang niyakap ni Stella ng napakahigpit at nag-iiyak. "Kuya ko!"

"Hush now baby!"

"Kuya Avel!" iyak siya ng iyak. "Wag mo kong iiwan! Wag please!"

"Shh..shh.. hindi kita iiwan baby. Andito lang ako" hinaplos haplos niya ang likod ng kaniyang kapatid na walang patid ang pag-iyak. "Tell me what happen?" inagwat niya sa pagkakayakap si Stella.

"Huh? Hindi mo ba nakita? Mayroong tao! Andiyan siya sa kama mo nakatayo at nakataklob ng kumot tapos bigla nalang siyang lumapit sakin tapos hinawakan niya ang pisngi ko kuya! Tapos bigla nalang siyang nawala! Tapos sa baba may shadow, may shadow tsaka may malamig na hangin! Dumaan sila sa likuran ko kuya! Takot na takot ako!" iyak siya ng iyak.

Nagulat naman ng husto si Avel sa narinig niya. "Taong...nakataklob ng kumot? Sa kama ko?" Napakunot noo siya dahil ayaw niyang maniwala. "Bakit wala naman akong nakita?"

"Kuya naman!"

"Shh!" niyakap niya ulit si Stella. "I'm sorry Stella, I'm so sorry! huh, don't worry safe kana okey? I'm just here. I will never leave you."

Sino naman kaya yon? Ayaw niya sanang maniwala kayStella pero noong narecall niya ang biglaang pagtaas ng ilang hibla ng buhok ng dalaga ay naniwala na rin siya. Pero, itinatanong parin niya sa sarili niya kung bakit hindi niya ito nakita at bakit ngayon pana halos anim na taon na silang nakatira sa bahay, bakit ngayon pa nangyari ito at bakit si Stella lang ang nakaramdam?

Dahil sa nangyari, hindi nakapasok kinabukasan sa school si Stella. Tinawagan ni Avel ang mommy niya at sinabi ang nagyari sa kapatid niya kaya sinabihan niya siJin at Avel na bantayan si Stella kaya walang oras si Jin para mambabae.

Habang sa school, 7:30 na nagising si Gino kaya dumiretsyo agad siya sa classroom nila. Medyo malelate na siya. Pagdating niya, hinanap niya ang kaniyang upuan ni Stella at napansin niya na wala pa ito.

"Wala si Stella?" napakamot siya sa ulo niya saka binaling ang tingin sa kaibigan ni Stella na si Minally. "Cardemonde, asan si Stella?" tanong niya.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon