CHAPTER 11

68 14 0
                                    

Napabuntong hininga nalang ang dalaga. "Okey." tumayo siya at naglakad papunta sa hagdanan pababa sa first floor.

Nagtinginan naman ang magkapatid at hindi makaimik ang girlfriend ni Jin dahil natatakot siya sa itsura ni Avel na oo, gwapo nga pero may nakakatakot na aura.

"Kasama kana doon kuya Jin." sabi niya na may nanlilisik na mga mata.

"Saan naman?" tanong nito na may ganoon ding ekspresyon.

"May kailangan tayong linawin tungkol kay Stella."

Umirap lang si Jin. "Kaya nalulungkot si Stella dahil masyado mo siyang sinasakal."

Tumayo si Avel. "Sa study room. Kung lalaki ka talaga at matapang ka mag-uusap tayo."

Tumayo si Jin na may seryosong mukha. "Sige ba."

Dinuro ni Avel ang babaeng nakaupo. "Paalisin mo na ang panget na yan!" sabay talikod niya.

"Ano?Anong panget? Sumosobra kana talaga Avel!" bulyaw sa kaniya ni Jin.

"Sus, ipagatatanggol mo pa, lolokohin mo rin naman siya mamaya diba? Aksaya ka pa ng oras." ngiti niya.

"Aba talagang!"

Tumayo ang babae at hinarap si Jin. "Jin....is that true?"

Nagulat ang binata. Same reaksyon sa bahay nila kapag ginagawa yun ni Avel. "No honey!"

"Wag ka ngang maniwala diyan. Taga Arche Nemesis yan babae. Kasamahan ng mga kulugo sa Music Club. Diba alam yon ng mga babae sa ibang school na ang mga members ng Music Club ay dakilang babaero at manloloko." ngiti niya sabay baba sa may hagdanan.

Napahawak naman si Jin sa ulo niya at heto na naman ang pamatay niyang drama kapag nabubuko ang pagiging babaero niya. "Honey..." tiningnan niya ng nakakaawa ang babae at nagbabaka sakali na makalusot siya.

Nanlisikang mata ng babae at namumula na sa sobrang pagkairita. "Rojin Carl Nichols Louisser!!" sigaw ng babae na nakapagpagulat ng husto kay Jin.

"Teka, pano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"

Umisnobng babae. "Break na tayo!" sigaw niya sabay sigaw pababa. Napakunot noo naman ang binata sabay kagat sa labi niya. "You're dead." tinakpan niya ang mukha niya gamit ang isa niyang kamay. Walang kakilala niya ang tumatawag sa totoo niyang pangalan at kung may magtangka mang mangbanggit nito na kahit sino..talagang gagawan niya ng hindi maganda.

"Patay ka sakin bukas." agad niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya. Bumaba na siya para makipag-usap sa dalawa niyang kapatid. Bago siya pumasok sa study room, inayos niya muna ang sarili niya. Itinago niya ang pagkainis na nararamdaman niya sa babae kanina.

Pumasok siya sa study room at umupo sa tapat ng dalawa. "Ano bang pag-uusapan natin?"

"Tungkol ito kay Stella." panimula ni Avel.

Itinuro naman ng dalaga ang sarili niya. "A-ako?" tiningnan niya si Jin. "Anong tungkol sakin kuya Avel?"

"Layuan mo si Gino Weinberg at kahit na sinong lalaking umaaligid sayo." utos niya.

"Ano, kuya bakit naman?"

"Ano bang problema mo Avel at masyado mong sinasakal si Stella?" inis na tanong ni Jin sa kaniya. Napahilot na siya sa sintido niya dahil magsisimula na siyang mainis at ayaw niyang makikita ni Stella kung paano siya mainis. 

"Alam mo naman kung gaano siya iniingatan ng pamilya natin hindi ba?"

"Oo alam ko! At anong gusto mo Avel ha? Ang hindi siya makaranas ng kasiyahan? Na hindi niya madidiskubre ang mga bagay na dapat madidiskubre ng mga kabataan na katulad niya? Na hihintayin niya na diktahan siya ng ibang tao pagdating sa pagmamahal? Ganoon ba ang gusto mo? Na makapangasawa siya ng lalaking hindi naman niya gusto? Para mo na rin siyang tinanggalan ng karapatan na magmahal! "

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon