Chapter 37

56 5 0
                                    

Gaya ng sinabi ng kausap niya,  ipinaalam niya sa pamilya niya ang nangyari. They are all furious dahil nakuha ng isang Weinberg ang nag-iisang babae ng angkan ng mga Nichols na siya pang tagapagmana. Sakto naman na kakauwi lamang ni Jin galing Korea,  wala siyang ka-ide-ideya na wala na ang kapatid niya.

"Okey guys,  outdated ako. What happened?" tanong niya.  Tiningnan niya si Avel na nakayuko lang. Ang iba naman niyang pinsan ay may kaniya-kaniyang usapan.

Nginitian siya ni Dexter. "Stella is missing. "

Tinaas niya ang kilay niya. "Pardon? " tiningnan niya si Avel na nakayuko lang.

"Ulitin ko pa Jin?  She's missing. "

Tumango-tango siya. Maya-maya ay tumayo siya at tiningnan si Avel. "Carmelo,  let's talk outside. "seryoso niyang sabi and all of the boys except Dexter turned white.

"B-bakit?" hindi mapakali si Avel. Alam niyang papatayin siya ng kuya niya.

"Don't let me repeat myself. " naglakad na siya palayo. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kamay niya. "Huwag niyo na kaming isali sa lahat ng meetings niyo. We are no longer a Nichols. Fuck that name anyway. "

Napahawak lang sa ulo si Dexter. Hindi naman na nakapagsalita ang lahat ng naroon. Si Avel naman ay tumayo na din at matapang na hinarap ang kuya niya.

Jin is leaning on his car at bakas sa mukha niyang hindi niya gusto ang lahat ng nangyari. Naiinis siya sa sarili niya dahil iniwan niya ang kapatid niyang si Stella. Iniwan niya sa kamay ni Avel na akala niya ay iingatan ang nag-iisang babae sa buhay niya na kahit kailan ay hindi niya sasaktan. Pero nagkamali siya.

Hinarap siya ni Avel na hindi siya matingnan. Kita niyang may panginginig ito. Ang pangalawa niyang kapatid na ito ang siyang tanging nakakakita ng bad side niya. Tanging nakakatanggap ng masasakit na salita galing sa kaniya. Ayaw niyang ipakita kay Stella dahil ayaw niyang katakutan siya nito.

"Kuya I can-"

"Wala kang kwenta. " bungad niya.

Huminga ng malalim si Avel at pakiwari niya ay nagpipigil lang din itong manigaw.

"Alam ko. " sagot nito.

"Wala ka man lang ginawa Avel?  Diba may usapan tayo?  Anong nangyari? " pinukpok niya ang bubong ng kotse at halatang nagulat si Avel.

"Si Dexter! Wala akong magawa dahil si Dexter palagi ang nasusunod! " sigaw niya.

"Siraulo! Mas natakot ka pa sa gagong iyon kaysa sa kapatid mong at stake? Sinaktan mo si Stella! "

Napapikit si Avel. That hit him. Hard. Alam niyang galit sa kaniya si Stella at ngayon si Jin galit na din sa kaniya. Whom else will he turn to? He's worthless anyway. Kahit saan tingnan,  wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan si Stella.

"I'm sorry. "iyon lang ang sinabi niya.

"And now,  nasa kamay siya ni Gino!"

"Diba mahal ni Gino si Stella? " gusto niyang masuko sa salitang sinabi niya mahal. Nakakasukang salita.

Napatawa si Jin. "Oh fudge. I just figured out noong nasa Korea ako,  Weinberg is our enemy. Gino is not really inlove with Stella. Gagamitin niya ang kapatid ko para mapabagsak ang pamilya natin. "

Napakunot noo naman si Avel. "At saan mo naman nakuha yan?"

Tiningnan ni Jin si Avel. "My real mission in Korea is to get his sister. Lumina Weinberg. "

Ginulo ni Avel ang buhok niya. "I don't understand! "

"Ang mga Weinberg at Nichols ay mortal na magkaaway. Actually noong unang panahon matalik na magkaibigan ang mga lolo natin. They are both business tycoon. Nagbuild pareho ng empire. Weinberg is the President dahil siya ang may pinakamalaking stock and majority ng board voted for him. Samantalang si Nichols, dahil utak lang ang mayroon siya,  kahit paano naging CFO.  pinalago ang company at lumago naman. Lumaki ang ulo ni Weinberg,  kinutya si Nichols. Si Nichols naman ginamit utak,  kinuha lahat ng pera ng company at gumawa ng sarili niyang empire."

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon