"Dex what happened?" Nag-aalalang tanong ni Avel. Kanina pa siya palakad lakad sa sala nila dahil hindi siya mapakali. Kanina niya pa din pinapagalitan si Carlo.
Ngumiti si Dexter. "All goes well. Ipinaliwanag ko na sa kaniya ang terms after niyang makipagmeeting kay Lelouch. " napakamot siya sa kaniyang ulo. "I forgot to tell you that she'll be living with the Lamperouge."
"What the fuck Dex?!" Sigaw niya. Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya at nanggalaiti siya sa galit. Hindi siya sinabihan. Ang kaniyang mukha ay pulang-pula hanggang sa may leegan.
"Sorry dude." Ngiti ni Dexter sabay kindat kay Carlo na inirapan lamang siya. "Masyado pa namang na baby si Stella Avel diba? Oh well, Lelouch will take care of that." Tawa niya.
Napaupong bigla si Avel at hinampas ang coffee table nila. Inihagis niya din kung saan ang salamin niyang kakapalit lamang. Naiisip niya pa lamang na titira si Stella sa bahay ng ibang tao ay labis labis na ang pagkakabahala niya.
"Dex..pwede bang huwag na siyang tumira don? Or else, Lelouch could live with us. Bakit kailangang si Stella ang mag-adjust?" Tiningnan niya ng masama si Avel.
"If I let Lelouch live here, with you, I don't think na makikilala nila ang isa't-isa cause for sure you will not let him touch baby girl." Tawa niya saka kindat muli kay Carlo na masama na din ang tingin sa kaniya. "You are a freak dude. When it comes to Carmel." Kibit balikat niya.
Marahas na bumuntong hininga si Avel. Ginulo-gulo niya ang buhok niya saka tiningnan ng masama si Dexter.
"I will talk to that boy. "Mariin niyang banggit saka muling kinuha ang salamin niyang may crack na naman sa gilid.
"Yes of course. But now, I think it's best to prepare baby girl's things. Para naman hindi na mahirapan pa kapag dumating ang time na magmemeet na sila."
Wala ng nagawa si Avel. Pagkatapos kumain ni Dexter ay nagpaalam na ito na may iba pang aasikasuhin. Si Carlo naman ay nanatili lamang sa bahay ng mga Louisser dahil alam niyang kailangan ni Avel ng kasama.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Nakayuko si Avel at nakatitig sa sapatos niya.
Kumuha ng magazine sa ilalim ng coffee table si Carlo at umupo ng pasalungat kay Avel. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng pinsan niya dahil hindi naman talaga madali ang mapapayag ang kapatid mong babae na magpakasal sa taong hindi nito kilala at lalo na dahil may iba itong napupusuan.
"Avel, I think you should take a rest. Alam kong iba na ang tinatakbo ng isipan mo. "
Napabuntong hininga lang ang pinsan niya. Pilit nitong pinupunasan ang salamin nitong sira na naman dahil sa pagbato niya kanina.
"Ang hirap Carlo."
Hinilot niya din ang sintido niya. Nanatili na lamang siyang tahimik. Hindi niya na din alam kung ano pa ang maidudugtong niya.
Nagpasya si Avel na umalis muna saglit kaya naiwan sa bahay ay si Carlo at si Stella na nagkukulong lamang sa kaniyang Kwarto.
Nakayuko lamang si Stella. Hinihintay ang pagkakataong sumapit ang araw na kailangan niyang harapin.
Nais kong makamtan ang kalayaan. Ano kayang feeling na pwede kang magdesisyon para sa sarili mo? Ano kayang pakiramdam na masaktan sa desisyon na ikaw mismo ang gumawa? Ano kaya ang pakiramdam na matuto sa sarili mong pagkakamali?
Unti - Unti na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. At unti unti ding nanlabo ang lahat sa paningin niya.
Para siyang isang ibon na nasa hawla. Pinapakain at inaalagaan pero walang kalayaan.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomantizmFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.