Kumuha ng ice bag si Jin at inilagay sa dalawa niyang pisngi. "Para kong napalo ng baseball bat sa sakit! Grabe ang babaeng yon! Di pa siya naging masaya? Kung sana hindi niya ko itinulak edi sana nakarating kami pareho sa paraiso ko. Yung ibang babae nga nagkakandarapa sakin tapos siya? Kaasar. Pare, relax ka muna diyan a. Chill ka muna. Magtutuos tayo mamaya."Kinabukasan, nag-aalmusal si Stella at Avel habang nagsusuka naman si Jin sa CR ng kwarto niya.
Suka siya ng suka. "Grabeng hang-over naman ito!" Tumayo siya at naghilamos ng mukha niyang namumula at halata any bakat ng kamay sa pisngi niya. "Ang aking mukha!" Pag-iinarte niya. Yon pa man din daw ang isa sa mga pang-akit niya. Ang makinis niyang mukha.
Bumaba siya para saluhan ang mga kapatid niya sa pagkain. Tumabi siya kay Stella at pinisil pisil ang gitna ng ilong niya.
Sininghot singhot naman siya ni Stella. "Kuya Jin ang baho mo!" Tinakpan niya ang kaniyang ilong at kunwari ay naduduwal.
"I'm sorry baby girl. Uhh!" Napailing- iling siya. "May hang-over lang si kuya." ngiti niya.
Nagpout naman ang dalaga. "Maligo ka ah."
"Yes, I will." Kumuha siya ng mug. "Baby pakilagyan mo naman ng coffee please." Utos niya kay Stella na kumakain ng waffle.
"Okey."
Tahimik lang naman na kumakain si Avel na malalim ang iniisip.
Pagkaabot ni Stella ng mug kay Jin ay nagulat siya dahil sa itsura ng mukha nito. "Kuya Jin! Ang mukha mo!" Duro pa niya.
"Damn." Napapikit siya. "Babe may pasa ba?"
"Pasa? Eh nakabakat yung kamay!"
Natawa naman si Avel sa sinabi ni Stella. "Ayan kasi...masyadong makati. Walang pinipili." Parinig nito.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Jin. "Tsk." Ismid niya.
"Paano yan kuya Jin? What? Magkabila!" Gulat na gulat si Stella na lalong nakapagpatawa kay Avel.
"Ganyan talaga Stella..."sabay halik niya sa noo ng kapatid niya.
"Pangit na ba si kuya, baby girl?" Malambing niyang tanong kay Stella.
"Aww kuya Jin.."tumayo siya at kumandong sa kuya niya saka niya hinalikan ang magkabila nitong pisngi. Nginitian niya ito saka niyakap. Pagkatapos ay muli niyang hinalikan ang magkabilang pisngi ng kuya niya. "Mawawala din yan. For the mean time papangit ka muna kuya. Pero gagwapo ka ulit. That means you should take a break from your hobby. Pahinga ka muna a.." Sabay halik niya ulit sa kuya niya.
"Ang sweet naman ng baby girl ko!" Nakipag nose to nose siya sa kapatid niya at siya naman ang nagpaulan ng halik dito.
Habang naglalambingan ang magkuyang Jin at Stella ay siya namang pagtunog ng cellphone ni Avel. Ang nasa caller ID ay si Dexter kaya agad niya itong sinagot sa malayo.
"Yes Dex?"
"We have met the Lamperouge dude." Sagot nito.
Eto na ang problema. "How was it?"
"Mabuting bata pare." Tawa nito. "And alam na niya ang about sa arrangement."
"So ano na?"
"We've set a date para magkakilala sila ni Stella and that's probably this coming week."
Oh shit! Agad agad? "Ang bilis naman ata?"
"Yes, actually. That's the assurance for the Lamperouge na we are going with the arrangement."
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.