Walang nagawa si Stella kundi ang maggala nalang sa loob ng school. Onti palang ang mga bukas na booths at ang iba naman ay busy pa sa pag-aayos kaya umakyat nalang siya sa building nila. Sakto na pagdating ni Stella sa floor nila nakasalubong niya si Minally na palabas mula sa room kaya hinila niya ito.
"Oh, Stella?" gulat na tanong ni Minally. "Oopps! I remember nga pala, why are you absent kahapon?"
"Don tayo sa loob." sabay hila niya sa kaibigan.
Umupo sila sa upuan ng magkatapat. Agad na humalumbaba si Minally sa desk at itinuon ang atensyon kay Stella. Eto na naman ang iba't-iba niyang emosyon na nasa iisang mukha lang.
"Wala pa Minally, ganyan na agad ang mukha mo!"
"Ano bang problema sa mukha ko? It's my normal!"
"Bahala ka na nga." bumuntong hininga nalang siya at nagsipit ng ilang strands ng buhok sa magkabila niyang tenga.
"Dalian mo na magkwento dahil marami pa kong itatanong sayo! Bakit ka nga absent kahapon?"
"Kase..."
"Oh my god don't tell me may-"
"Sira!" binatukan niya ang kaibigan na napapout nalang at eto na naman ang kaniyang mukha.
"Wag mo na kasi patagalin! You are so masyado!"
Tiningnan niya ng masama si Minally. "Sorry na!" sabay tawa niya at peace sign. "Kwento na kase."
"Absent ako kahapon kase na-impacho ako." sagot niya.
"Okey next question Stella. Bakit may sugat ang lips mo? Don't tell me--" bigla nalang nanlaki ang mga mata niya, napatakip sa bibig saka tinuro si Stella.
"Will you stop over reacting!" ginulo-gulo niya ang buhok niya. "You are so annoying when you do that Mina! Geez."
"Edi sorry ulit." tawa niya. "Eh bakit nga?"
"Nakagat ko."sagot niya.
"Bakit mo naman kinagat?" tanong pa ulit ni Minally na ngayon ay pinaglalaruan na ang kaniyang kulot na buhok.
"K-kasi si Gino.."
"Kayo na ba ni Gino?" gulat niyang tanong.
"Hindi. Hindi pa pwede dahil mga bata pa kami." sagot niya.
"Okey, I will leave that. Eh anong connect ni Gino sa pagkagat mo diyan sa lips mo at pagkasugat niyan? No, no, don't tell me-"
"oh god Minally!"
"Hey, what's wrong with that? I am just guessing you know,"
"Nakakairita ka talaga!" singhal niya sa kaibigan na medyo nagulat dahil sa pagiging prangka niya pero agad din namang napalitan ng maaliwalas na mukha.
"Ang bagal mo naman kasi magkwento! Eh bakit nga?"
"Ganito yun. Nagtampo siya sakin tapos iniwan niya ko at eto ako ngayon na... na.." unti-unti nang-ulap ang kaniyang mga mata nang maalala niya si Gino. "Kase Minally..." napakagat siya sa kaniyang labi.
"Hey ano ba yan?" lumapit siya at pinahid ang luha na kumawala sa mga mata ng dalaga. "You are such a crybaby. So, yan ang dahilan kung bakit mo kinagat ang labi mo?"
Tumango lang si Stella bilang sagot.
"Nga-ngayon hi-hindi ko alam kung a-ano ang g-gagawin ko.."
"Bakit naman ba nagtampo?"
"Kasi nagkukwentuhan kami then may isang topic kaming pinag-usapan tapos bigla ko nalang naiba yung usapan tapos ayun nagtampo na siya at iniwan ako bigla.." kwento niya.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.