Chapter 33

23 5 0
                                    

Wala si Gino.

Nakahalumbaba si Stella habang pinipilit na makinig sa lektura ng kaniyang guro.  Wala ng ibang pumapasok sa utak niya kundi ang katanungan kung nasaan si Gino.

Baka nasa rooftop na naman siya. Ang lalaking iyon talaga!

Panaka-naka siyang tinitingnan ni Minally na may hindi maintindihang reaksyon. Masyadong magalaw at mabounce ang buhok nitong spiral. Tinuturo turo nito ang dalawang taong nakatayo lamang sa gilid niya.  Oo,  sobrang awkward pero hindi na lamang niya pinapansin.

"Sino ba yang mga iyan Stella? " bukambibig ni Minally. Ilang araw na mula ng bigyan siya ng security at ang lahat ng mga kaklase niya at taga ibang section din ay iba ang tingin sa kaniya.  May ilang nambubully pero tinatakot kaagad ng mga kasama niya. Naaawa siya sa kaniyang sarili. 

Pinagbawalan siyang pumunta sa rooftop at kapag pupunta naman sa garden ay wala dapat tao.  Hindi rin masyadong makalapit si Minally sa kaniya dahil talagang binabackground check pa.  Si Minally lamang din ang tanging tao na ipinagpilitan ang sarili para lang makausap siya.  Binackground check ito at okey naman.

Kahit gusto niyang takasan ang mga kasama niya ay nakikita naman siya kaagad.  Mayroon kasing binigay si Dexter na bracelet sa kaniya at alam niya ay mayroon itong tracking device dahil umiilaw ang loob nito. 

Ang hirap talaga ng buhay na ito.

Naalala din niya ang itsura ni Lelouch noong halikan niya sa pisngi.  Nasanay na kasi siya sa mga kapatid at pinsan niya ang humalik sa mga pisngi kapag aalis na.  Nasanay lang siya. Pero naiinis parin ako sayo.

"Athrun bakit may mga bodyguard si Stella?!  Ano ba iyan? " naiinis na sambit ni Minally at heto na naman ang emosyon niyang hindi mo maintindihan.

Nginitian lang siya ni Athrun.  "Are you bothered? " tanong nito sa kaniya.   Nakapamulsa ang binata at nakatingin sa malayo pero nakangiti.  Kahit kailan ay naaamaze parin talaga siya sa lalaking ito.  Pero iba parin ang gusto niya. 

"S-syempre naman no!  Paano na kami makakapagkwentuhan niyan kung mayroong ibang nakikinig?  Ang awkward kaya non! " padyak niya saka nagcross arms.  Para itong bata kung umasal.  Napapataas lamang ang kilay ni Athrun at may naglalarong ngiti sa kaniyang labi na hindi mo malaman kung totoo bang natutuwa siya o sarkastiko lang.

Inilapit ni Athrun ang sarili niya kay Minally at bumulong.  "Ano ba talagang gusto mo?  "

Napamaang nalang si Minally sa tanong ni Athrun.  "A-anong sinasabi mo Athrun? "Hindi siya mapakali at nakikita iyon ni Athrun.  Hindi niya kayang itago ang emosyon niya.  Ganoon lamang kadense si Stella pagdating sa kaniya o talagang walang pakialam ang kaniyang kaibigan sa kaniya.

"I know what you're up to Minally. Basta mag-ingat ka lang dahil baka mag back fire ito sayo.  Mahirap na diba? " ngiti sa kaniya ni Athrun na nakapagpatulala sa kaniya.  Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?  Ano bang mga alam niya? 

Umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib.  Bakit?  May alam na ba si Stella?  Alam na ba niya kung anong ginawa ko?  Namuo ang luha sa gilid ng mata ni Minally sa kaniyang naalala pero tinapangan niya ang kaniyang sarili. Nasimulan ko na... at wala akong balak na umatras pa.

Nginitian niya din si Athrun at hinampas pa sa balikat nito.  "Ano bang pinagsasasabi mo Zala?  Nababaliw kana no? " tawa niya. 

Kita niya ang pagkislap ng salamin ni Athrun at ang paglabas ng dalawa nitong dimples.  Yumuko ang binata sa harapan niya para magpantay ang paningin nila.

"Sige ituloy mo Minally Cardemonde.  Basta sinabihan kita. " pinat niya ang ulo ng dalaga saka niya tiningnan ng seryoso.  " Ako ang makakalaban mo. "

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon