CHAPTER 7

79 17 0
                                    

(This Chapter is dedicated to @KristineJaneeee. Thanks again for the book cover! :D)

"Mina baby, ang tahimik ng kasama mo ah." napansin na rin ni Jin si Gino sa wakas.

"Naku kuya ganyan talaga ang lalaking yan!" tumaas taas ang dalawang kilay ni Minally at talagang napakaganda ng ngiti niya. Napatingin naman kay Gino si Avel.

"Sa bagay maganda yan para sa lalaki dude. Kapag kasi madaldal ang lalaki iba na ang pinahihiwatig non." tawa ni Jin.

"Kung ganon iba pala ang pinahihiwatig ng kadaldalan mo?" matalim na tingin ang pinukol ni Avel sa kuya niya.

Tinaas naman ni Jin ang braso niya at pinukpok ang muscles niyang nakaumbok. "Iba to tol! Ibang kadaldalan to." ngiti niya kay Gino.

"Tss. Ang dami mong alam." snob ni Avel.

"Kuya Jin, grabe ang laki naman niyan." pinindot ni Minally ang muscles sa braso ni Jin at lalo lang napasnob si Avel at nainggit si Gino.

"Araw-araw kasi akong nag-gigym babe tapos balance diet lang at hindi masyado sa pakikipagbonding sa mga girls." kindat pa niya.

"Tss! Ang kapal naman talaga." napatayo si Avel. "Magluluto na nga lang muna ko." umalis siya kaya naiwan sa loob si Minally, Jin at Gino.

Tinuloy lang naman nila ang kanilang kwentuhan. "Ang swerte siguro ng mga naging girlfriends mo." papuri sa kaniya ni Mianally.

Inayos ni Jin ang buhok niya at nagcrosslegs sabay kindat na naman kay Minally na agad namang pinamulahan ng mukha. "Syempre." Malambing niyang sagot sa dalaga na siya namang kinilig.

Nabaling ang atensyon ni Minally kay Gino na nakatulala parin hanggang sa ngayon. "Gino, inaantok ka na naman?" tanong niya dito.

Tumango lang siya at talagang mukhang inaantok na nga kasabay ang pagsulyap niya sa natutulog na si Stella.

"Naku wag ka muna matulog. Hintayin muna natin si Stella na magising." pigil sa kaniya ni Minally as if matutulog naman agad siya sa kinalulugaran niya.

"Nga pala matanong ko lang...pangalan mo nga dude?" tanong ni Jin.

"Gino. Gino Weinberg."

"Weinberg?" nanlaki naman ang mata ni Jin. "Kaano-ano mo si Lumina Weinberg?"

Tiningnan naman siya ni Gino. "Ate."

"What? A-ate mo 'yong amazonang 'yon?"

"Magkakilala kayo?"

Tumawa ng mapakla si Jin. "Last year kase bigla nalang niya kong nahablot at ginawa niya kong model ng isang men's wear brand sa Paris. Napaka amazona ng babaeng yon, akala ko nga madadala siya ng charms ko pero hindi eh hahah. Akalain mo nga naman yun."

"Wow! May connections." ngiti ni Minally.

Hanggang dumating na ang alas syete ng gabi, hindi pa rin nagigising si Stella. Hindi kasi siya masyadong nakatulog kagabi dahil nga sa nangyari. Magdamag lang siyang nag-iiyak sa kwarto ng kuya niyang si Avel kaya nagbabawi lang siya ngayon.

Natapos na rin magluto ng hapunan si Avel kaya hinain na niya ito sa table at pinuntahan ang tatlo sa kwarto ni Stella na masaya paring nagkukwentuhan. Si Minally at Jin lang nga pala ang masaya dahil sila lang ang nagkukwentuhan. Hindi kasi sumasali si Gino at kapag naman tinatanong siya ay doon lang siya sumasagot. Wala na ring paliwanag basta sagot.

"Dinner na." sabi ni Avel.

"Naku nakakahiya naman." ani Minally.

"Okey lang yan babe. Tara na. Gino sama kana." sabay kindat ni Jin.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon