CHAPTER 8

73 17 1
                                    

Bumangon si Stella at umupo. Nakataas ang tuhod niya at nakapatong dito ang baba niya. Tumutulo ang luha sa mga mata niya na walang kapatid-patid. Hindi talaga siya iyaking tao pero ngayon lang ito nangayari sa buhay niya, na nagkaron ng ibang emosyon ang sarili niya.

"Gino...." Patuloy niyang binabanggit ang pangalan ni Gino. Inaalala niya ang itsura nito at pakiramdam ng hawak niya sa kaniya. Sadya man o hindi, ito ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng saysay ng buhay niya.

Ang luha niya ay agad na napalitan ng ngiti. Oo, lumuluha siya habang nakangiti. "You light me up Gino..." Huminga siya ng malalim at pakiramdam niya ay gumaan ang loob niya. May kung anong nakabara sa dibdib niya ang bigla nalang nawala. Nagkaroon siya ng tinatawag na "Kasiyahan". Kasiyahan na kahit na kailan ay hindi niya naranasan mula ng pagsilang niya. Ibang kasiyahan.

"Thank you...Gino." humiga na siya ulit at ipinikit ang kaniyang mga mata. Pagpikit niya, tumulo ang luha sa mga mata niya na parang falling star sa madilim na gabi. Nakangiti siyang natulog.

Sa pagpikit niya, lumitaw mula sa bukas na bintana ng veranda ang misteryosong tao. Nakatayo habang matamang nakatingin sa natutulog na dalaga. Para bang binabantayan siya sa  kaniyang pagkakatulog.

Kinabukasan hinatid siya ni Jin sa school. Excited siyang pumasok ngayon dahil excited siyang makita si Gino. Napansin naman ng kuya niya na mula sa pag-alis nila sa bahay nila ay patuloy na ang lihim na pagngiti ng bunso niya.

"Babe..." tawag niya.

"Kuya?"

"What's with that smile? Kanina ko pa yan napapansin ah.."

Napatakip naman sa bibig niya si Stella. Hindi niya alam na kanina pa pala siya pinagmamasdan ng kuya niya. Nawili kasi siya sa mga iniisip niya na maaaring mangyari sa araw na ito. Nag-init ang kaniyang pisngi at saka nagsipit ng ilang hibla ng buhok sa kaniyang tenga.

"Wala ah...d-di kaya."

"I know you babe. Something's wrong with you. You know, I think you're in love."

"Eh?" tinuro ni Stella ang sarili niya. "Hindi kaya.." Nag-init muli ang kaniyang pisngi sa sinabi ng kuya niya na inlove daw siya.

Tumawa naman si Jin. "Halata ka masyado baby. Look at your face, you're blushing!" turo turo nito sa mukha ng kapatid niya.

"Ano ba kuya Jin! Stop teasing me okey?"

"What? I'm not teasing you!" tumawa na naman ang kuya niya. "Nagiging masayahin kana babe ah."

Nagtinginan sila ng kuya niya. Kahit anong tago ni Stella sa mukha niyang namumula eh wala ng magagawa pa dahil nakita na ito ni Jin. Sakto naman na nasa tapat na sila ng school.

"Andito na tayo babe."

"Sige. Babye kuya Jin." kiniss niya ang kuya niya sa pisngi nito.

"Bye bye!" kindat naman ni Jin.

Bumaba na sa kotse si Stella at naglakad papasok sa school.

"Stella..." tawag mula sa likod niya. Paglingon niya...

"Oh, Athrun." tumigil siya para magkasabay sila sa paglalakad ng binata.

"Kumusta ka? Balita ko absent ka din kahapon...Ano nga palang nangyari sayo?" ngiti niya.

Nagkibit balikat lang si Stella saka tumawa. "Wala...uhmm, hayaan mo nalang yun Athrun."

Napataas naman ang kilay ng binata saka ngumiti. "O sige, sabi mo eh."

Pagdating nila sa room, wala ang mga classmates nila. Tiningnan ni Athrun ang relo niya. Oras na naman ng kanilang klase pero wala ang kanilang mga kaklase.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon