"Wait lang kuya, magpapaalam muna ko kay Gino."
Marahas na bumuga ng hangin si Avel na nakapagpasindak kay Stella. "We're gonna leave. Now."
"Pero kuya magpapaalam lang ako."
"Stella please!"
Napalunok ang dalaga. "Kuya please din..."
Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya. Tumaas baba ang dibdib niya dahil sa pagkainis niya. Sa sarili niya. Naiinis siya dahil wala siyang magawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng pamilya niya para saktan ang pinakamamahal niyang kapatid. Naiinis siya dahil nakikita niya kung gaano kasaya si Stella sa piling ni Gino pero pinili niyang ipaglayo ang dalawa para sa alam ng iba na makakabuti. Kahit ang magsakripisyo.
"No."
Nabigla ang dalaga sa sagot ng kuya niya. Dati rati ay hindi na niya kailangan pang magsalita. Titingnan nalang niya ito at ngingitian ay pwede na siyang magpaalam kay Gino pero ngayon ay may pagmakakaawa na sa kaniya pero ayaw nitong pumayag.
"Kuya bakit?"
"Basta halika na." Hinawakan ni Avel si Stella sa palapulsuhan nito pero pumiglas siya at tinitigan ang kuya niyang natulala sa pagbitaw niya.
"Hindi ko alam kung anong problema mo kuya. Hindi ko gustong ganyan ka." Marahan niyang pagkakasabi na nakapagpakalma sa kaloob looban ng puso ni Avel.
Napayuko siya. "I'm sorry Stella."
Naramdaman niya ang paglapat ng palad ng kapatid niya sa pisngi niya. "You should tell me your problems. I will listen."
"Baby..." Tawag niya sa bunso niya.
"Wait lang kuya ha? Gusto ko lang magpaalam kay Gino. Babalik ako." Tumingkayad siya para abutin ang magkabilang pisngi ng kuya niya at pareho niya itong hinalikan.
"Okey." Pagsuko niya. Stella....bakit ka ganyan?
Nakayuko si Gino habang nakaupo sa sofa sa sala ng bahay niya. Nakapatong ang magkabila niyang siko sa tuhod niya. Magulo ang buhok niya na at halos lahat ay nasa harapan na ng mukha niya. Ang kaniyang pigtail ay nasa kaliwang bahagi ng balikat niya. Pagkatapos ng pag- uusap nila ni Avel ay sa likurang bahagi na siya ng coffee shop dumaan papunta sa 3rd floor na bahay niya. Hindi niya kasi alam kung anong mukha ang ihaharap niya kay Stella mula sa sagutan nila ng kuya nito. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Avel.
'Hindi na siya magiging pwede Weinberg.'
Napatawa siya ng mapakla. Hindi pwede. Hindi ako papayag.
Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha at saktong pagsuklay niya ng buhok niya ay pumasok ang namumulang si Stella na ikinagulat niya.
"Uh...ano...Hi?" Alanganing bati ng dalaga sa kaniya at hindi na niya napigil ang sarili niya kaya mabilis ang ginawa niyang pagkilos para isandal sa pintuan ang dalaga saka niya inangkin ang labi nito.
Sinuklay suklay ni Gino ang buhok ng dalaga na nakasandal sa kaniya habang kandong kandong niya. Yakap yakap niya ito sa maliit nitong bewang. Dinadanggil danggil ng matangos niyang ilong ang leeg nito hanggang sa balikat nito.
"Mahal na mahal kita Stella." Halos hindi na mabilang ni Stella kung ilang beses sinabi ni Gino ang mga salitang iyon sa kaniya. Siya naman ay napapangiti at sinasagot si Gino.
"Mahal na mahal din kita."
"Hahalikan ulit kita." Bahagya siyang napatawa doon pero agad ding bumigay ng ipaling ni Gino ang ulo niya paharap sa kaniya para magkasagupa ang mga labi nila.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.