CHAPTER 3

124 22 0
                                    


Buwang kaba?" tanong ni Stella.

"Baka ikaw! Ayos ako dito, ikaw itong nanggugulo sa pagtulog ko."

"Tsss...whatever!" Nagwhatever sign siya. "Nga pala,bakit hindi ka pumapasok? Tingnan mo, three months na ang nakalipas...ngayon palang kita nakita at nakilala. Akala ko,kung sino ka lang diyan,yun pala classmate na kita."

Umupo si Gino at umubob sa unan niya. "Nakakatamad eh. Kahit na kelan, di ko pinangarap na pumasok sa school...gaya nito."

"Hmmm..sayang naman pala ang binabayad mo kung ganon."

Bigla nalang tumayo si Gino. "Makaalis na nga! Baka bangungutin pa ko kapag nanatili dito." nilampasan niya si Stella na nagulat sa inasal niya.

"Ano? Ang kapal mo lang talaga noh!" sigaw niya.

Dire-diretsyo lang si Gino sa garden at doon niya ipinagpatuloy ang pagtulog niya. Si Stella naman ay nanatili lang sa rooftop.

"Weird ng taong 'yon." sabi niya.

Kinabukasan.

"KUYA!" sigaw ni Stella.

"Ano ba?" sabay na sabi ng dalawa niyang kuya na parehong nananahimik at bigla nalang nabulabog sa sigaw na yon ng bunso nila.

"Yung swimsuit ko nawawala.."

"Baka na kay yaya. Nakita ko siya kanina sa may swimming pool na nakagogles. Baka suot na niya." biro ni Avel.

"Nga naman babe.." sang-ayon niJin na natatawa din.

"Hindi ako nakikipagbiruan ah! Unang-una sa lahat wala tayong yaya at pangalawa wala tayong swimming pool!" sigaw niya.

"Bakit di mo nalang kase hanapin diyan?"

"Naman kuya eh. Kanina pa kaya ako halungkat ng halungkat dito...wala naman akong makita!" naiinis na si Stella at malapit lapit ng umiyak.

"Tingnan ko nga baka ako pala ang may suot." tinaas ni Avel ang suot niyang T-shirt. "Wala pala sakin." nakangiti siyang tumingin sa bunso nila na namumula na sa pang-iinis nila.

"Wag ka ngang magpatawa diyan! Kala niyo ba nakikipaglokohan ako sa inyo?!" napaupo na siya sa pagkainis.

"Ano bang arte yan Stella huh?" nainis na sabi ni Avel.

"Kuya naman eh.." nagdadabog na sabi niya.

"Eh bakit ba kasi sa amin mo hinahanap ang swimsuit mo na yan? Ano bang malay namin doon huh Stella?"

"Bahala na nga kayo diyan! Sasabihin ko kayo kay Mommy!" tumayo siya at nagtatakbo palabas.

"Hoy Stella!" sigaw ni Avel.

Dumating siya sa school na nakasimangot. Wala na nga ang swimsuit niya, wala pang naghatid sa kaniya papasok kaya doble na ang galit niya sa mundo ngayon.

"Nakakainis! Kahit saang anggulo ko tignan wala talaga silang pakialam sakin. Ni hindi man lang ako hinatid dito. Grabe talaga! Kung marunong lang akong magdrive edi ako nalang ang nagmaneho para sa sarili ko tapos ibabangga ko para lalo silang magalit sakin." bulong niya habang papasok sa gate.

"Stella!" tawag mula sa likod niya pero di niya pinansin.

"Stella!" tawag ulit sa kaniya na hindi na naman niya pinansin.

"Magandang Stella!" pagkasabi non bigla niyang nilingon ang nasa likuran na tumawag sa kaniya.

"So, kapag may salitang maganda saka ka lang lilingon?" tanong ni Gino na nakaupo sa gilid ng gate.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon