Napatingin naman si Gino kay Stella na namumula. Bigla nalang nawala ang antok niya."Teka, Stella?" turo niya sa dalaga.
Inikom ni Stella ang labi niya at nahihiyang tumango. Ikinubli niya ang saya na naramdaman niya noong nakita na siya ni Gino.
Lumapit ito at hinila ang isang table kasama ang dalawang upuan na sakto kakaalis palang ng nakaupo. Dinikit niya ito sa table nina Stella at umupo sa tapat ng dalawa. Napapabulong nalang ng kung anu-ano si Avel.
"Dito ka ba nanggaling kahapon?" tanong ni Gino at agad naman na tumango si Stella. Namumula ang kaniyang makikinis na pisngi at hindi niya maitago ang ngiti sa labi niya. Iniikom nalang niya ito kapag talagang napapangiti na siya para hindi mahalata ni Avel ang gestures nya.
"Kumusta?" tanong ni Gino kay Avel na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Ayos lang pare kanina...pero ngayon hindi na." sagot niya nang sikuhin siya ni Stella.
Tumango-tango naman ang binata. "Dito nga pala ko nakatira at....ako ang nagpapatakbo ng coffee shop na ito, kasama ko nga pala si Eya. Kaibigan ko."
"Pero tinawag ka niyang sir." sabi ni Stella.
"Ah...nakagawian na niya kasi yon." ngiti ni Gino at yumuko si Stella pagkakita niya ng ngiti na iyon ni Gino. Ang gwapo!
Madalas naman ang pag-irap ni Avel. Sa nakikita niya kasing kilos ni Stella eh halatang halata ang pagkagusto nito sa binata at kahit pa pilit nitong itago ay talagang kitang kita. Kulang na nga lang literal na umusok ang ilong niya at magliyab ang kamao niya dahil sa pagkainis. Hindi naman niya kasi inaasahan na dito pala nakatira si Gino Weinberg.
Maya-maya pa dumating na ang mga crew athinain ang iba't-ibang mga sweets sa harap nila. Foods for four ang hinain nila. Pagkatapos maihain at makaalis ng mga crew ay siya namang pag-upo ni Thea sa harap ni Avel na katabi ni Gino.
"Kainan na!" alok ni Thea.
Kinuha ni Gino ang isang tasang kape at dahan-dahang ininom. Kasunod noon ang pagsubo niya sa pancake. Waffle naman ang kinuha ni Stella. Kay Avel at Thea ay parehong kape.
"Stella, ayaw mo ba ng kape?" tanong ni Gino.
Kumaway kaway ang dalaga. "Hindi ako mahilig eh."
Nagulat naman si Thea. "Don't tell me magkakilala kayo?"
Sabay na tumango ang dalawa. "Classmates." sagot ni Gino.
"Wow!" tiningnan niya si Avel. "Ayos yan. Buti naging magkaibigan kayo? Eto kasing si Gino cutting-ngero yan kaya yung mga classmates niya hindi niya minsan mga kilala. Mukhang nagiging normal ka na ah!" pinalo palo ni Thea ang likod ni Gino at napapailing lang ito.
"Abnormal ba ko?" namumula siya at napapangiti na rin.
Tumawa naman si Stella. "Oo! Ang wierd mo kaya! Palagi kang may dalang unan!"
"Ahahah. Love na love ni Gino ang unan niya na yon. Mahigit ilang taon na ba sayo yun Gino?"
"Five."
"Tignan mo! Five years na yon pero hanggang ngayon hindi niya pa nalalabahan." tumawa ng husto si Thea. "Himala, bakit hindi mo na siya dala ngayon?"
Ngumiti si Gino. "Kasi may bago na kong love." napakamot siya sa batok niya. Natigilan naman si Stella at bigla na namang nadagdagan ang kalabog ng kaniyang puso.
"Feelings? You love me Stella?"
"You love me Gino?"
"Yes, I do."
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.