CHAPTER 13

59 13 0
                                    

Niyakap ni Stella si Gino ng napakahigpit. "Oo, ako rin. Mahal kita. Mahal na mahal din kita Gino."

Umagwat si Stella at nakita niya ang napakalapad na ngiti ni Gino. "Kaso, nangako ako kay kuya Avel na hindi muna ako magboboyfriend. Kapag hindi ako sumunod, papalayuin niya ko sayo at ayokong mangyari yon. Ayokong lumayo sayo....ayoko." tumulo ang luha sa mga mata niya na nakapagpatunaw sa damdamin ni Gino. Na nakikita niya ang babaeng mahal niya na mahal din siya at ayaw malayo sa kaniya. Napakasarap..

Agad na pinahid ni Gino gamit ang hinlalaki niya ang mga luha sa mata ng dalaga. "Oo, alam ko. Ayoko rin naman na mapalayo sayo. Hindi ko na kaya pang mawala ka sakin."

Tumango-tango si Stella sabay ngiti. "Basta nagmamahalan tayo yon ang mahalaga diba?"

Ngumiti si Gino. "Oo."

"Ano ng palang gagawin natin ngayon? Uy ah! Baka madatnan tayo ni Kuya Avel."

"Akong bahala. Madali lang tayo. Basta magtiwala ka lang sakin."

Tumango naman siya. "Di nga ba bubusugin mo ko?"

"Oo...sa pagmamahal ko."

Dumating na sa bahay ng mga Louisser ang pinsan nila na si Lucas. Bumaba siya sa kotse niya, tumingala at tinanggal ang suot niyang Rayban. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Jin, ihanda mo na ang pinaka epic mong move dahil huhulihin na naman kita haha."

Sumenyas siya sa Guard at agad naman siyang pinapasok. Dahan dahan siyang naglakad sa first floor at ngayong nasa tapat na siya ng pintuan ng Jin's Paradise-pigil na pigil niya talaga ang tawa niya. Tinatakpan na nga lang niya ng kamay niya ang bibig niya. Lumapit siya sa may pintuan at hinawakan ang pinaka lock ng sliding door. Naririnig na niya mula sa loob ang iba't-ibang ingay na talagang nakakapagpatawa sa kaniya.

"Whoooh! Baby!" sigaw ni Jin and as if on cue ay bigla bigla niyang inislide ang pintuan na thank God ay hindi nakalock kaya pagslide niya biglaang tumigil ang dalawa sa kanilang ginagawa at agad na napasigaw ang girlfriend ni Jin at nagtaklob ng kumot.

"Ahahaha Jin! Yan pa rin yung move mo noong nahuli kita ah! Hahaha."

Halos hindi makamove on si Lucas sa nakita niya at ngayon nasa sila ni Jin na parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil hindi agad siya nakapagreact kanina kasi akala niya si Stella na ang nakapagbukas ng pintuan. Nakalimot din naman kasi silang maglock.

"Hahaha Jin.." maluha-luha na si Lucas sa kakatawa niya.

"Ano ba? Kanina ka pang tumatawa diyan, hindi ka pa ba makamove on?" naiinis na sabi ni Jin. "Bakit ka kasi nandito? Istorbo ka eh.." irap niya at lalo namang napatawa si Lucas.

"So haha wala kang balak na itigil? Pano pala kung si Stella na ang nakapagslide doon dahil nacurious sa mga naririnig niya, edi balik America ka na naman?"

"Tss. Oh, ano ba? Bakit ka ba nandito?" tanong ni Jin.

Bigla nalang siyang kinotongan ni Lucas. "Nakalimutan mo ba ang usapan natin? Insan naman, hinahanap na ni Mommy sakin yung inspection mo."

Natawa naman doon si Jin at bumalik na sa jolly mood niya. "Oo nga pala noh.. Sige mag-iinspect ako ngayon. Hahatid ko lang girlfriend ko." tumayo na siya nang sitsitan siya ni Lucas.

"Psst! Roj." sitsit niya. "Nahirapan ka ba?"

Ngumiti si Jin sabay kindat. "Medyo."

"Whooo! Ikaw na talaga." tawa ni Lucas.

Kinahapunan na sinundo ni Avel si Stella sa coffee shop ni Gino. Dala na niya ngayon ang kotse niya at agad na sumakay si Stella sa frontseat. Namumula ito ng husto.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon