Minsan hindi ko alam ang mga nangyayari sa buhay ko. Ang isang tao,saan ba minsan umiikot ang mundo ng isang tao? Marahil sa mga bagay na ginagawa niya parati, mga inspirasyon niya para mabuhay, mga taong inaalagaan niya, mga nakikita niya, nasa paligid niya, minamahal niya at nagmamahal sa kaniya. Pano naman ang iba? Mga taong naiiba sa karaniwan...kahit yung mundong ayaw mong maging bahagi ng buhay mo, mga bagay na sadyang masakit kapag sayo napunta..mga bagay na hindi mo na dapat pang makita.....nakikita mo at nakikibahagi sa pang-araw araw mong buhay.
"Nakakabored." buntong hininga ng isang dalaga habang nakahalumbaba sa desk at malayo ang tingin.
Nag-iisa kasi siya sa room nila. Di siya masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase niya. Nasa Stadium kasi ang mga ito at nanonood ng Highschool visitation ng ilang popular na artista.
"Dapat pala umuwi nalang ako sa bahay."
May babaeng pumasok sa room nila at lumapit sa kaniya. "Excuse me." sabi ng babae.
"Bakit?" Walang gana niyang sagot.
"Can we talk?" umupo ang babae sa desk na nasa tapat niya.
Tiningnan lang niya saglit ang babae saka siya bumalik sa pagkakatingin niya sa malayo. May nagsu-swimming kasi sa pool na nasa baba ng building nila.
"You're Stella Louisser right? So you're the representative of your section?"
"Oo."
"Ako nga pala si Luna Maria Hawk. Ako lang naman ang representative ng section one." sabi niya na may tonong nagmamayabang.
"So?"
"Just quit!" diretsyong sabi niya.
Nagtalunan sa pool ang mga estudyante na nasa baba kasabay ng pagkasabi ni Luna Maria ng mga salitang iyon.
"Tulak niyo na 'tong isang 'to!" sigaw ng isang lalaki.
"Maam oh!"
Napabuntong hininga lang si Stella. Mayron kasing gaganapin na contest sa school nila at ito ay ang pagtugtog ng mga musical instruments. Ginagawa ito ng school nila kada taon at kilala si Stella dahil sa pagiging magaling sa pagtugtog ng Violin. Simula palang kasi nong bata siya ay pinag-aral na siya ng mga magulang niya kahit ayaw niya ay ginawa niya pa rin para hindi siya kainisan ng magulang niya.
"Hello!" kaway ni Luna Maria. "May kausap pa ba ko?"
"Huh?"
"Alam mo section one ako, major in piano and alam ko na ikaw na ang nanalo last year,last last year at last last last year! so why don't you just quit? Bigyan mo naman ng chance ang iba! Like me, give this chance to me. Transferre ako at ayokong mapahiya agad ako sa mga classmates ko."
"So?"
"Okey ka lang ba? Are you pissing me off?! The way I ask you is not the same way I would like you to answer me! Why?"
"Ano naman ang mapapala ko sa pag quit?" tanong ni Stella.
Ngumiti si Luna. "Uhhmmmm...you want money?"
"Alis!" tinuro ni Stella ang pintuan.
Tumayo na si Luna Maria. "Okey,kung ayaw mong daanin kita sa magandang usapan Stella Louisser, well, let's see." umalis na siya.
"Ang dami niyang alam." bulong niya.
Bukas na gaganapin ang contest. Sa bawat section ng bawat year level ay may representative na isa.
Sinundo na si Stella ng kuya niya sa school pagkatapos ng klase at pagdating naman sa bahay ay nagpractice na siya ng piece na tutugtugin niya sa contest bukas at napapaisip siya.

BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.