CHAPTER 16

38 12 0
                                    


Naunang nakarating sa Manila Hotel si Avel at ilang sandali lang ay nandiyan na rin si Jin. Bago pumasok ay nakipagkumustahan muna ang dalawa sa mga pinsan nilang puro mga lalaki.

"Vel, " tawag ng pinsan ni Avel na si Carlo.

"Oh?" sagot niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin natatanggal ang inis niya sa mama niya na hindi man lang sila binisita at talagang idinaan na lamang ang lahat sa pag-uutos sa mga tauhan nito.

"Si Stella?"

Napabuntong hininga siya saka tiningnan ang pinsan niya. "Hindi ko alam kung bakit hindi siya kasama dito."

"Oh, bakit kaya ganon?"

"Tsk. Malay ko sa pasimuno nito."

"Si Lola."

"Tss. Pare-pareho sila." irap niya saka dire-diretsyong pumasok sa loob ng Sampaguita Hall kung saan gaganapin ang nasabing 'meeting' ng pamilya nila.

Ilang minuto bago ang nasabing oras ay nagsipasukan na ang kabinataan at nagkaniya-kaniya ng upo. Wala pa ang mga mama nila, lola at ang abogado na siyang binigyan ng karapatan ng lolo nila na siyang babasa ng kaniyang huling habilin. Tanging ang mga magpipinsan pa lamang at mga nakahilerang mga bodyguards ang nandoon sa loob.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang sabay sabay na pumasok ang limang magkakapatid na Nichols, ang kanilang lola na si Madaam Elizana, ang iba pang involve na mga kaibigan ni Mr. Nichols at ang nasabing abogado.

Magkakaharap ngayon ang buong angkan ng mga Nichols. Ang limang magkakapatid na Venice, Venny, Vera, Vaughne at Vetrice at ang kanilang mga anak na sina LEL, Carlo, Joseph, Lucas (Sons of Venice); Chris, Israel, Vain (Sons of Venny); Avel and Jin (Sons of Vera); Gabe, Dexter and Xavier (Sons of Vaughne); Rayne and Kurt (Sons of Vetrice).

"Mr. Weber, mabuti pang wag mo nang patagalin pa. Basahin mo na ang Last Will ni Papa." sabi ng pangalawang anak na si Venny na kumpiyansa na isa sa mga anak niya ang hihiranging tagapagmana ng  Corporation ni Mr. Elric Nichols.

Iyon talaga ang habol ng bawat isa sa mga magkakapatid. Kung sino ang magmamana ng Corporation ni Mr. Nichols. Wala silang pakialam sa iba pang ari-arian ng  papa nila, basta ba mapasakamay ng isa sa mga anak nila ang Corporation ay mapapalagay na ang loob nila.

Napapairap na lamang ang mga kapatid ni Ms. Venny sa kaniya.

"Nga pala Vera, asan si Stella? Bakit wala siya sa meeting natin?" tanong ng pang-apat na si Vaughne.

Magsasalita na sana si Ms. Vera nang unahan siya ng mama nila na si Madaam Elizana. "Hindi ko na siya isinama pa sa invitation. Sa tingin ko naman ay wala siya sa pinili ng inyong papa. Lalaki lamang ang dapat na magmamana ng Corporation." ani niya. Nspahawak na lamang sa ulo niya si Ms. Vera at sinipat ang kaniyang dalawang anak. Si Avel ay nananahimik lamang na nakakunot ang noo samantalang si Jin ay panay ang pakikipagkwentuhan at biruan sa pinsan niyang si Lucas.

Tumikhim ang abogado at tumayo sa gitna nila. Sensyales na magsisimula na siya. Agad naman na tumahimik ang paligid at itinuon ang pansin sa kaniya.

"Sisimulan ko na pong basahin." panimula niya. Kinuha niya ang mga papel sa file case na dala niya at muli siyang tumikhim.

Tinuon ng lahat ang kanilang atensyon sa abogado na si Mr. Weber.

"I, Elric Jeremiah Courtez  Nichols, Filipino Citizen of legal age, married to Elizana Mariana Andromeda Nichols, born on 13th of April 1935, a resident of Manila, being sound and disposing mind ang not acting under undue influence or intimidation from anyone, do hereby declare and proclaim this instrument to be my Last Will and Testament, in English, the language which I am well conservant, and I hereby declare that :

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon