Nagtagal ang dalawa sa kanilang pwesto. Hanggang sa nakaramdam na ng antok si Gino.
"Hindi ka talaga nagugutom Stella? "tanong niya sa dalaga na ayaw umagwat sa pagkakayakap sa leegan niya.
"Ayaw ko. "sagot nito.
"Halika kana. Matulog na tayo." Tumayo siya at binuhat si Stella. Umakyat sila sa taas. Inilapag niya ang dalaga.
"Dito kana. " turo niya sa isang kwarto. Hinawakan naman ng dalaga ang kamay niya. Parang ayaw pa siyang paalisin. Her eyes are pleading.
Natawa nalang siya. "Kinidnap kita Stella. Don't worry. Your kidnapper won't go nor let you go. So sleep kana. "
Tumango nalang ang dalaga at binitawan ang kamay niya. "I'll miss you. "sabay pout nito.
"Mamimiss din kita."sumandal siya sa pintuan at hinintay na makapasok si Stella.
Pagpasok ng dalaga ay tatalikod na sana siya pero pagtingin niya nakatingin pa ito sa kaniya kaya napatawa nalang siya.
"Papasok na ko sa kwarto ko. Maraming damit sa cabinet. Just help yourself. Goodnight. "
Pagpasok niya sa kwarto ay dumapa agad siya. Ramdam niya ang sobrang pagod pero mas lamang ang kasiyahan niya. Sa wakas nasa akin kana.
Kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang isang numero. Sumagot ito sa ikalawang ring.
"Ano kumusta? Nandiyan na kayo? "bungad ng kausap niya.
Tumihaya siya at huminga ng malalim. "Yeah. Kakarating lang. "
"Medyo nagkakagulo na sa mga Nichols. They all know na gagamitin mo si Stella para makuha ang company nila. How childish! " tumawa ang kausap niya. "Suwail ka din naman no? "
Ngumiti siya at tinakpan ang kaniyang mukha. "Basta para sa kaniya. Wala na kong pakialam sa lahat. Siya lang naman ang dahilan kaya ako nandito. Alam mo yan. "
Narinig niya ang buntong hininga ng kausap niya. "So how long will it takes? "
Itinaas ni Gino ang kamay niya at tiningnan ito. Nanginginig at halos hindi na niya maramdaman ang kamay niya. "I'll make it fast. Wala akong sasayanging sandali. "
"That's good to know then. "
"How's Dexter? "
"He's with his wife now. Lalabas na sila ng bansa. He's done with his job. Ilang buwan din siyang tigang niyan."
Natawa nalang si Gino. "Ibababa ko na. I need to sleep. "
"Okey then. Mag uupdate nalang ako sayo. "
"Yeah. "
"By the way, another thing, pinakawalan na pala ni Jin Louisser ang kapatid mo. Nandito na siya sa bansa. Nag-enjoy naman siyang maging hostage kuno."
Napatawa nalang din siya. "I told you, I don't care about anyone. "
"Okey sige na. I need to sleep too. Bye."
Hindi na siya sumagot pa. Ibinaba nalang niyang basta ang tawag. Umupo siya at hinawakan ang namamanhid niyang kamay. Nanginginig ito.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa buwan na sumisilay sa kaniyang bintana.
I wish I could bring back the time. Sana hindi kita hinayaang umalis. Sana wala ako sa ganitong posisyon ng buhay ko. It's my fault. I've let you forget about me. About our promise.
Maagang nagising si Gino. Naligo siya at nagpalit ng damit. Bumaba siya para maghanda ng almusal nila ni Stella. Nagluto lang siya ng simpleng pagkain. Scrambled eggs,Hotdogs, fried rice, chocolate coffee para kay Stella at black coffee para sa kaniya. Matapos niyang maihanda ay umakyat siya para gisingin ang dalaga.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.