"Akala mo talaga sinusundan kita?"
"eh bakit hindi ba? Kung gusto mo ko, oh iyong iyo na ko!" Nilapit niya ang sarili niya kay Stella at napalayo naman ito ng todo.
"Kapal mo talaga! Patpatin, tingting at kalansay pa! Yan ka Gino...wala kang kalaman laman kaya pano naman kita magugustuhan? Para kang kawayan." asar sa kaniya ni Stella.
"Weh, eh bakit namumula ka?"
Biglang tinakpan ni Stella ang mukha niya. "Namumula ka diyan! Hindi kaya!" tanggi niya.
"Tsss. Kung hindi eh bakit mo tinatakpan ang mukha mo?"
"Pwede ba wala kang paki!" bulyaw niya sa binata.
"Talaga ah.."
Habang sa AVR, naroon ang karamihan ng mga eastudyante para mapanood ang presentation ng Student Council. Kasama na doon si Minally at Athrun.
Pumunta sa harapan si Athrun na may dalang microphone sa may tapat ng malaking projector.\
"Guys, nakapanood na kayo ng love story na movie diba? Yun kasi, scripted tsaka inaarte ng mga artista. Pero, ang ipepresent namin sa inyo ngayon ay tunay. As in hindi scripted at siguradong hindi kayo magsisisi." sabay kindat niya.
"Ayeeeh! Sabi mo yan ha?"
"Oo pero guys secret nalang sana natin to. May hidden camera kasi kaya ang mapapanood niyo ay live. Naghanda muna kami ng video presentation about sa kanila maliban pa sa live na clippings. Guyas, watch out!"
Umalis na si Athrun sa tapat ng projector at nagsimula na ang presentation. Sa gilid ng dilim, palihim siyang tumatawa dahil sa ginawa niya.
"Masaya to.." tawa niya.
"Hoy Athrun!" siko sa kaniya ni Minally.
"Oh, Cardemonde." nakangiti niyang bati sa dalaga.
"Trip mo talaga si Stella at Gino noh. Kailangan talaga may ganitong chu chu?"
Tumawa si Athrun. "I'm just helping them." sabay kibit balikat niya.
"Helping them? Ayaw mo ba na magkadevelopan sila ng dahan-dahan? San banda dyan ang sinasabi mong help?" tiningala niya si Athrun.
Ngumiti naman ng makahulugan ang binata. "Time is running....kaya kailangang magmadali."
"Ano? What do you mean?"
Ginulo niya ang buhok ni Minally at yumuko para bulungan ito. "I'm in a hurry...Kailangan kong tapusin kung ano ang kailangan kong tapusin Cardemonde."
Napakunot noo ang dalaga sabay batok kay Athrun. "Masyado ka namang misteryoso! Kung anu-ano pa yang mga pinagsasasabi mo! Ano ba kasi ibig mong sabihin?"
Ngumiti na naman ang binata. "Bawal eh. Saka nalang...malalaman mo rin naman eh. Pero sa tamang panahon pa yon. Chill ka lang."
"Ewan ko sayo! Kapag ito nalaman ni Stella naku lagot ka talaga!"
Ginulo na naman niya ang buhok ng dalaga saka ngumiti. "Di yan. Si Stella pa...malalaman? Never."
Matapos ang maikling presentation, ipinakita na ni Athrun ang live stream ni Gino at Stella na nasa rooftop.
"Guys, eto na ang live."
Nakaupo si Stella at Gino sa may rooftop at nagkukwentuhan. Pareho silang naiilang at namumula. Oo, nagkakagustuhan na nga silang dalawa.
"Alam mo Gino..." tumingin si Stella sa mga ulap. Cloudy naman kaya maganda ang panahon. Hindi masyadong sumisinag ang araw dahil makapal ang nakatakip na ulap dito. Ganito ang paboritong panahon ni Gino, kung saan magiging mahimbing ang kaniyang pagtulog.

BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.