Chapter 39

39 4 1
                                    

It's been three weeks simula ng dinala ni Gino si Stella sa isang isla. Araw-araw siyang ina-update ng kausap niya para malaman ang galaw ng mga Nichols. Tiyak naman siyang hindi sila matutunton kaya panatag ang loob niya. Narito siya para gawin ang kaniyang huling misyon.

Simula noong bumagyo sa lugar nila, two weeks ago, nagsama na sila ni Stella sa iisang kwarto dahil natakot ang dalaga noong nawalan ng kuryente. Kaya nagpasya siyang patulugin ito sa kaniyang kwarto. Pagkatapos ng bagyo ay nakiusap na si Stella na tumabi nalang sa kaniya. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa gusto nito. Na alam niya sa sarili niyang gusto niya rin.

Ngayon ay muli niyang pinagmamasdan ang natutulog na si Stella. Nakabaluktot na naman ito at ayaw magkumot. Kapag tinatakpan niya ay tinatanggal lang nito.

Wala kang pinagbago.

Lumapit siya dito at niyakap niya. Inamoy amoy niya ang buhok ng dalaga at hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi ngumiti. Hindi parin siya makapaniwalang hawak hawak na niya ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso.

At hanggang sa huling pagkakataon ng buhay ko, wala akong ibang gagawin kundi ang gumawa ng mga memoryang babaunin ko hanggang sa wakas.

Gumalaw ang dalaga at nalaglag ang isang strap ng suot nitong pantulog. Sando ni Gino ang kaniyang hiniram dahil gustong gusto daw nito ang kaniyang amoy. At kagaya ng mga naunang pagkakataon, wala siyang ginawa kundi ang sumunod.

Napalunok siya dahil nakita ang makinis at maputing balikat ni Stella. Napatitig siya lalo sa leegan nito at parang may kung anong nag-uudyok sa kaniyang haplusin ito.

Stella, huwag ganito.

Pikit mata niyang itinaas ang strap. Saglit na gumalaw ang dalaga papunta sa kaniya at niyakap siya. Niyakap niya nalang ito ng pabalik.

Ilang oras pa ang pinalipas ng dalawa bago sila bumangon. Muling nagluto si Gino ng almusal para sa kanilang dalawa.

"Anong gagawin natin ngayon? "tanong ni Stella habang kinakain ang pritong tilapia na dinala ng iilang mga mangingisda sa kanila noong isang araw.

Ngumiti naman si Gino kasabay ang paghikab nito. "Ikaw, ano bang gusto mong gawin? "

"Gusto kong libutin ang lugar dito. Narinig kong may bukid somewhere. Gusto kong makapunta doon. "excited na sabi ng dalaga.

"Sige, walang problema. "

Pagkatapos ng almusal ay naligo na si Stella. Nagtalo pa sila ni Gino kanina dahil gusto niyang magpaligo sa binata na mariin naman nitong tinanggihan. Hindi niya aakalaing sa lahat ng request ni Stella ay iyon pang pagpapaligo.

Alam niyang normal nalang sa dalaga kapag nagrerequest ito sa kaniya na paliguan siya, suklayan siya, at iba't -iba pang personal na bagay dahil masyado itong inaalagan ng kuya at ultimo personal na gawain ay hindi na niya magawang mag-isa.

Gusto niyang ikwento ang dahilan ng pagpunta nila dito pero alam niya ding hindi rin maaalala ng dalaga ang pag-uusapan nila. Bibigyan nalang niya ito ng tamang timing.

Habang naghihintay siya ay idinial niya ang isang numero at sumagot ito sa ikalawang ring.

"Kumusta? Ano ng balita? "tanong ni Gino. Ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa kanyang hita at ang kabilang siko niya ay sa sa kabilang hita. Sinuklay niya ang kaniyang buhok.

"Sulitin mo na ang pagkakataon niyo ni Stella. Kaunting oras nalang Mr. Pigtail. Nichol's is on their move. Hinahanap nila ko. They want to talk to me dahil nalaman nilang magpinsan tayo. "

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon