Nakatingin sa dalampasigan ang dalawa. Nakaupo si Gino samantalang nakatayo naman si Stella. Patuloy ang paghampas ng malalaking alon sa kalapit na mga bato at naririnig nila ang huni ng mga ibon na lumilibot sa baybayin.
"How did I forget you?"Panimula ng dalaga.
"Ang mahalaga ay naalala mo ako."
"But I promised you!" Tuluyan ng pumatak ang luha sa asul na mga mata ni Stella. Ginusot niya ang tapat ng kaniyang puso dahil sa bigat ng nararamdaman niya.
Tiningnan siya ni Gino at nginitian. "I told you it's alright."Tumayo siya at hinawakan ang pisngi ng kaniyang asawa. He made her looked at him.
"Gino I'm sorry."Iyak niya dito.
Ngumiti ang binata at hinalikan ang kaniyang noo. "Nothing matters to me now Stella. It's just you. Only you. Ayos na sakin na naalala mo ako. Masayang masaya ako. Don't blame yourself. It's alright. We have to forget to be able to remember."
Niyakap ni Stella si Gino ng napakahigpit at maya-maya ay tumawa. "Payatot."
Tumawa din si Gino. "May ngipin kana Lala. I'm so glad."
"Sira!"
Tumingin sa langit si Gino. Now, my time has come. Forgive me Stella, forgive me for what I'm about to do.
"Good morning sir Athrun."Bati sa kaniya ng isang nurse.
"Good morning. How is he?"
Ngumiti ang nurse saka sinipat ang isang taong nakahiga sa kama. May mga aparatong nakalagay sa kaniyang katawan. Tiningnan niya ang heart monitor at bumuntong hininga siya.
"I hope he survive sir. I hope."Malungkot na ngiti ng nurse.
Tumango siya at bumuntong hininga. "I just hope too. May utang pa siya sakin."Kindat niya sa nurse na pinamulahan ng mukha. "Sige na Krista, thank you for being with him."
Ngumiti ang nurse. "As always sir. "
Nang umalis ang nurse ay umupo siya sa gilid na upuan at tinitigan ang taong halos buto at balat na. Puno ng aparato ang kaniyang katawan na tangi na lamang sumusuporta para makahinga siya. Ngumiti si Athrun.
"Ano na? Ano ng balak mo? Matagal tagal ka ng tulog. Wala ka bang balak na gumising? She's been waiting for you since then. It's time for you to wake up. Please, she needs you more than anyone else in this world. Please....wake up. Wake up for her."
Matapos ang kaniyang pagbisita ay pumunta naman siya sa isa niyang kaibigan. Dinala siya ng isang katulong sa garden. Naroon ang isang dalagang may itim at mahabang buhok. Nakatingin sa mga rosas hanggang sa napansin ang kaniyang pagdating.
Sinalubong siya nito nang may ngiti sa mga labi ngunit naroon ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Kumusta ka?"Tanong ni Athrun sa dalaga.
Pinagkrus naman nito ang mga kamay at hinawi ang kaniyang buhok.
"I've never been better Athrun. How is he?"
Tumawa si Athrun. "Siya talaga ang kinumusta? Pwede namang ako muna diba?"
"Pasensiya kana. Nakikita ko naman kasing maayos ka."
Napakibit balikat siya. "He is...well, just the same as before. "
"Will he be alright?"
"Tinanggap na niya matagal na."
"I see. What about her?"
Pumitas ng isang pulang rosas si Athrun at ibinigay sa dalaga na tinanggap naman nito kaagad.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.