Chapter 43

57 3 1
                                    

She cried and cried and cried. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ayaw niyang tanggapin.

"He is with me kanina pa and those past few days Athrun! I was holding his hand!"Iyak niya.

"You are holding a throw pillow. I saw you crying at your gate. "

"What? "

Bumuntong hininga si Athrun. "Your brothers are right. "

"Galing ako sa bahay namin sa Batangas!"

"Then why are you wearing your school uniform? And your violin is with you. Your classmate saw you sleeping at men's CR!"

"What? I am not!"

"I was the one who brought you to your house. Ako ang kasama mo kanina pa. Sinabi sakin ng mga classmate mo ang nangyari and I asked you if you want to go home. You said yes. Dinala kita sa inyo pero ilang sandali lang bumaba kana at nakita kitang umiiyak sa gate niyo kaya sinama na kita dito."Paliwanag ni Athrun.

Nakatulala lamang si Stella. "No...that's not true."

"Yes it is. "

"Gino is the one I am with. We are from our home in Batangas. We visited my brothers and they didn't even missed me. How can they be so cruel Athrun? And how did things happened? Why is Gino here? Why is he sleeping? Tell me Athrun,  tell me please..."Sinabunutan niya ang kaniyang buhok. "I'm going insane now.....please....tell me..."Iyak niya.

"I want to tell you Carmel. And I am going to."

"I am Stella! Why are you calling me Carmel?"

"Because that is your name."

"No...I am Stella."

"Stellar Louisser is an anime character."

"No! That was my name!"

Huminga ng malalim si Athrun. "Please, people are begging you...don't be so stubborn."

Umiyak siyang muli. "What did I do? What happen to him? I don't understand Athrun! I don't understand! Please..help me!"

"You are helpless Carmel. They already gave up on you. You want us to help you but you won't help yourself. Hindi ka namin kayang buhatin pa. Hindi kana namin kaya pa. We cannot save you anymore."

Natulala na lamang siya. Pilit na itinatanong sa sarili niya kung ano bang tama, ano ba ang mali? Bakit iba ang naranasan niya sa mga ikinukwento ng ibang tao? Iba ba ang mundo niya? Ano ba talagang nangyari sa kaniya?

"He's the real Gino. He's been here for  six  months. It's sad because he ended up here. He ended up sleeping without even knowing if he'll wake up. He's a stubborn man. He's a pain in the ass if you ask me."

Kinuha ni Stella ang kamay ni Gino. Itinaas niya ang payat nitong mga kamay at inilapat sa kaniyang labi.

"Gino....why? Why..." Paghawak niya sa palad nito ay lalong tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. May hawak ang binata.

Nang kunin niya ito ay halos mawalan siya ng hininga. Hawak hawak ni Gino ang isang shell. Isang shell na hugis puso. Nang sandaling iyon ay may sumagi sa isipan ni Stella.

Ang estranghero na parati niyang nararamdaman ay si Gino. Ang estrangherong walang ibang ginawa kundi ipaalala sa kaniya ang mga bagay na nakalimutan niya. Ang nakalimutan niyang pangako sa kaniyang kababata.

Na kahit kailan ay hindi niya ito kakalimutan.

Pero nakalimutan niya.

Nakalimutan niyang may isang taong nagmamahal sa kaniya ng wagas.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon