"Pare yung hindi alam ng mga nanay natin!" nanlalaki ang mga matang pagkakasabi ni Lucas kay Avel. Napapakunot naman ang noo ni Carlo.
"Yung sa mansion niya sa Laguna?" singit ni Carlo.
"Oo pre!"
"Kung ganon iniisip niyo na nong tinanong si Stella ni lolo... yung Corp yung hiningi niya?" tanong pa ulit ni Carlo. Natameme lang si Avel sa tabi na nakakunot ang mga noo.
"Tumpak!" sabay palo ni Lucas sa balikat ng pinsan niyang si Carlo.
"Kasi lahat tayong mag-iinsan, yung napuntang pamana satin eh yung gusto natin tsaka as I said, nong pinapunta tayo ni lolo sa mansion niya last year eh dun na natin sinabi."
"Oo nga naalala ko nga yon." sabi ni Carlo.
Napahilamos nalang sa mukha niya si Avel. Nagkatinginan naman si Carlo, Lucas at Jin at sabay sabay na napakibit ng balikat.
"And right now, ime-meet na nila Dex yung Lamperouge." dugtong pa ni Lucas.
"We need to tell Stella...about this shit." sabi ni Jin.
"Tingin mo pano naman?" pabulyaw na tanong ni Avel na pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Ganito ba? Stella, ikaw nga pala ang magmamana ng Corp ni lolo kaso kailangan mong pakasalan ang isang Lamperouge! Ganon ba?!" tumingala nalang siya para pigilan ang sarili niya na makasuntok ng panga ng isa sa mga nasa harapan niya.
"Mukhang mahirap nga ito." segunda ni Lucas.
"Loko kasi tong si lolo eh." tawa ni Jin na bigla namang siniko ni Carlo at inginuso si Avel na kaunting tiis nalang eh makakapatay na dahil sa itsura niya.
"Mukhang matatagalan pa naman kaya siguro makakapag-isip pa tayo ng paraan."sabi ni Carlo.
"Wag mo muna i-stress ang sarili mo dude. Ihanda mo nalang yan kapag alam na ni Stella kasi mukhang matinding stress pa ang maidudulot nito sayo. Pano, una na muna kami." paalam ni Lucas sa kanilang dalawa. Sumunod naman si Jin na kumindat pa kay Carlo. Napasuka 'kuno' naman ang pinsan niyang si Carlo sa inasal niya.
"Pasok na tayo Vel. May exam pa ko."
"Una kana." sagot nito.
"O sige, kita nalang tayo sa school."
"Oo."
Pagkababa ni Stella sa building nila ay naglibot na siya at nilibang ang sarili niya. Sa paglilibot niya, napunta siya sa isang cosplay booth. Pumasok siya doon.
"Yes maam? Ano pong icocosplay niyo?" tanong ng isang estudyante na nakacostume ng Sailormoon.
"Meron ba kayong Cinderella?"
"Opo maam. Tara nalang po sa loob." hinila siya ni Sailormoon papasok sa pinaka make-up room.
Sa make-up room, naroon ang iba pang estudyante na nakacosplay at inaayusan ang mga estudyante.
"Jay, sa kaniya si Cinderella."
"Aye! Aye! Captain." nagsalute kay Sailormoon ang lalaki na nakacosplay kay Zero Kiryuu ng Vampire Knight. "Halika dito Miss." tinuro siya ni Zero na umupo sa isang upuan.
Umupo na siya sa upuan na nakaharap sa salamin na may mga bumbilyang nakapalibot dito. Ngumiti siya sa salamin at nagsipit ng ilang hibla ng buhok sa magkabiglang tenga niya. Pinahid pahid niya din ang maiitim na dumi na nasa ilalim ng mata niya.
Bumalik si Zero at ngumiti sa kaniya sa salamin na ginantihan niya din ng ngiti. Hinawak hawakan ni Zero ang maikli niyang buhok. "Lalagyan ko nalang siya ng extension para sa bun. Gusto mo bang gayahin ko talaga yung mukha ni Cinderella?"
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.