Chapter 41

23 2 0
                                    

"Stella and I are already married. "Usal ni Gino sa kaniyang kausap sa cellphone.

Tumawa ang nasa kabilang linya. "So,  what's next? Magse set na ba ako ng meeting with the Nichols? "

Bumuntong hininga siya at tumingin sa kalawakan ng dagat na nakikita niya mula sa salaming nakabukas sa kwarto niya.

"I have a probleFewm. "

Saglit na napatigil ang kausap niya. Maya-maya ay nagsalita na ito. "What is it? "

"She forgot everything. Lahat ng kwento ko sa kaniya ay hindi na niya maalala. I've been repeating the same story almost every day. Paggising niya,  limot na niya ang lahat ng pinag-usapan namin. "

"So paano iyan? You have a very short time to spare Gino. Any second wasted is fatal alam mo iyan. "

"Yeah. I'll call you when I'm ready. Are they still hunting you? "

Tumawa ang nasa kabilang linya. Siya naman ay patuloy na nag-iisip kung ano pa ang gagawin niyang aksyon. "Yeah. They are still hunting me. Gladly hindi pa nila alam na may dinadalaw ako sa hospital kaya I feel like I'm still free. "

"That's good. I'll go now. "

"Okey buddy. You can do it. "

"Yeah. I hope so. "

Tumingala siya. Ilang beses na bumuntong hininga at patuloy na inaalo ang sarili sa kakarampot na pag-asang hinahawakan niya. Kailangan na niyang magmadali dahil nalalapit na ang wakas.

Ngumiti siya ng napakalungkot. "Kakayanin ko. Kakayanin ko para sa katahimikan ko."

They spent the entire day talking. Kinukwento ni Gino kung anong mayroon sa kanilang dalawa, bakit sila nasa ganoong posisyon at anu-ano ang mga conflicts sa buhay nila. Minsan ay nakikita niyang naluluha si Stella.

"It must be hard on you. What do you want me to do to to ease your pain?"Saad ni Stella habang hinahaplos ng marahan ang pisngi ni Gino.

Pansin ng dalaga ang namumungay nitong mga mata, ang pagiging maputla nitong hindi naman normal at ang pagiging malamig nito. Hindi niya malaman kung anong nangyayari sa kaniyang asawa. Gusto niyang magpatingin sila sa doctor pero ayaw ni Gino dahil baka daw matrace sila ng pamilya niya.

"Just be with me no matter what happens Stella. Just stay with me."Bulong nito.

"Pero hanggang kailan tayo magtatago?"

Umiling ang binata. "May hinihintay lang ako. Kapag nangyari iyon, ipaglalaban natin sa harap ng buong mundo na pwede tayo."

Ngumiti ng malungkot ang dalaga. "Sige. Maghihintay ako,"

Muli silang pumasok sa loob ng bahay. Namumuhay sila bilang mag-asawa. Ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa at kung anu-ano pa.

Makalipas ang tatlong buwan ay kita ang paglaki ng tiyan ni Stella. Nalaman niyang siya'y nagdadalang tao na. Labis ang kaniyang katuwaan ng malaman niyang may dinadala siya. Anak nila ni Gino.

Hindi makatulog si Stella isang gabi. Ilang beses niyang pinilit pero hindi siya dinadalaw ng antok niya. Parang mayroong bumubulong sa kaniya at hindi niya maintindihan kung ano.

Bago siya lumabas ay tinitigan niya muna ang kaniyang asawang mahimbing ang pagkakatulog. Inayos niya ang pigtail nitong nakaharang sa ilong ni Gino. Inilipat niya ito sa likuran at hinalikan niya ang tungki ng ilong nito saka siya bumangon.

Inilagay niya sa kaniyang katawan ang isang kulay itim na shoul. Bumaba siya sa hagdanan at lumabas ng kanilang bahay. Pumunta siya sa may dalampasigan at pumikit.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon