CHAPTER 26

22 7 1
                                    

"That was a very bad move Avel! Kahit san mo tingnan!" Sermon ni Jin sa kapatid niyang nakayuko lamang sa sala. Naroon pa din ang mga pinsan nila na nakikinig lang.

"Sige nga! How can you make a nice move?! Kung yun pa lamang hindi na niya makaya kuya Jin, paano pa kapag nalaman niyang ikakasal siya sa ibang lalaki?! Paano mo yon sasabihin sa kaniya na hindi mo siya masasaktan?! Sige nga! Sample nga!" Bulyaw niya.

"Guys, guys, chill ano ba? Ang init ng mga ulo! We' ll make a plan okey?" Suggestion ni Lucas na patuloy ang pagscan sa paboritong magazine ni Jin. "Nice body there babe!" Gigil niya.

Binatukan lang siya ni Carlo. "Tigil mo yan may minor dito."

"Minor? Sino ang minor dito dude? Eto ba?" Tinuro niya si Jin na may masamang tingin sa kaniya. "Ito?" Si Avel na mas masama ang tingin sa kaniya. "O ito?!" Si Dexter na busy sa pagkalikot sa laptop. "Pare ko, kahit ikaw mukha lang ang minor sayo! Let's see what's there in your head and I tell you dude! You do have a wild wild imagination. Ha-ha."

"Tsk. Pwede ba Luke stop with your chuchus." Irap ni Carlo.

"I like the chuchus. May naalala tuloy ako."

"Alam mo Lucas kung puro kalokohan ang lalabas diyan sa mabaho mong bibig, pwede umalis kana lang? We have an issue here!" Seryosong sabi ni Jin na napaupo na sa pagkafrustrate. Kahit naman siya mababaliw na. Mas halata nga lang si Avel.

"Eto naman kasi si Dex, masyadong loyal sa pamilya natin. Minsan nakakaasar din." Sabi ni Lucas habang kagat kagat ang dulo ng sun glass niya.

"Akala niyo ba libre to?" Tumawa siya ng mapakla. "My good service is never free."

"Tsk. Yan tayo pare e."

"Nagpapabayad ka? Sarili mong pamilya inuutakan mo? What kind of man are you?!" Bulyaw ni Avel.

"Who wants this Carmelo? Do you think I really want this? Na pahirapan ang sarili kong pinsan para lang sa kaligayahan ng pamilya ko? Para sa kaligayahan ng iilang tao. Man, you don't know my own story."

"Then bakit ka nagpapabayad? Bakit hindi mo tinanggihan?" Tanong ni Lucas.

Umiling si Dexter. "I'm not gonna share it with you guys, sorry. Back to the issue please. Paano niyo sasabihin kay Stellar? Days are passing. Sa Saturday na yung date."

"Alam mo friend, you're kind of weird this past few days. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Minally habang kumakain sila ni Stella ng pasta.

Umiling ang dalaga bago sumubo ng maliit. Tinitigan siya ni Minally habang kumakain. She's an aristocrat. Tiningnan niya ang sarili niyang paraan habang kumakain at nakita niya ang pagkakaiba nilang dalawa. May kaunting kirot sa kaniyang puso pero agad din niyang pinawi. I should try harder. Try my hardest.

"Wala naman Mina. Okey lang naman ako."

Tinignan niya ang dalaga ng pasideways. "Gosh! Yan ba ang okey? Mukha kang lutang Stella."

"Anong lutang?" Inosenteng tanong ng dalaga.

"Lutang! High! Kind of feeling when people took drugs."

"I did'nt take any."

Tumawa ng husto si Minally. "Ewan ko sayo."

Maya-maya pa ay naaninag ni Stella ang parating na si Gino. Medyo gulo pa din ang buhok nito at nasa kanang balikat ang pigtail. Nakatupi ang kaliwang sleeve ng polo niya at medyo may dumi pa dahil siguro sa paghiga na naman nito sa semento sa rooftop ng school. Nakatutok lang ang paningin ng binata sa kaniya. Sa kaniya lamang.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon