Tiningnan niya ng masama si Athrun na nakangiti ng malapad sa kaniya.
"Stella, tapos Athrun, bagay tayo dahil parehong sa Gundam Seed Destiny ang pangalan natin kaso si Kira ang makakatuluyan mo at sakin naman ay si Lacus hahaha pero ayos lang yon." tawa niya.
"Wala akong paki! Bitawan mo nga ako!" ginalaw niya ang balikat niya para alisin ni Athrun ang kamay niya sa balikat ni Stella pero hindi niya ito inalis.
Nilapit niya ang labi niya sa tenga ng dalaga at bumulong. "Nakatadhana talaga ang pagkikita natin."
Nag-init naman bigla ang mukha ni Stella at namula sa paglapit sa kaniya ni Athrun. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga kaya napalunok siya at parang natuyuan ng lalamunan.
"A-anong si-sinasabi mo diyan?" nauutal niyang tanong.
Ngumiti naman ang binata at lumabas ang dalawa nitong dimples. Lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa balikat ng namumulang si Stella. Patuloy lang ang pagsuswimming ng mga kaklase nila kaya hindi pa sila napapansin. Mahimbing naman ang tulog ni Gino sa may shade.
"Basta malalaman mo rin kapag nagtagal na." malalim ang boses niya na lalong nagpakabog kay Stella.
Ito ang unang beses na may naglakas na loob na lumapit at makipag-usap sa kaniya. Na lalaki. Kahit na kelan kasi hindi pa siya nagkaron ng kaibigan na lalaki during highschool o elementary days niya. Kung mayron man,batang bata pa siya noon at hindi na rin naman nagtagal ang pagkakaibigan nila dahil kasama niya ngayon sa bahay ang mga kuya niya,walang makalapit sa kaniya dahil sa istrikto lalong-lalo na si Avel pagdating sa kaniya. Sobrang iniingatan niya ang kaniyang kiapatid na si Stella.
Napasnob naman siya. "Bitawan mo na ko Athrun Zala!" tinulak niya ang binata palayo sa kaniya.
Napangiti naman si Athrun. Pinanood niya si Stella na umupo sa may shade na malapit kay Gino. Napaubob siya sa tuhod niya. Nanginginig na rin siya dahil sa pagkabasa niya at ng uniform niya.
"Wait me up!" tumalikod si Athrun at naglakad palayo sa pool. Pumunta siya sa clinic para manghiram ng tuwalya.
"Hi! What can I do for you?" tanong ng isang estudyante na assistant ng doktor sa clinic.
"Pwede ba kong makahiram ng tuwalya?" magalang niyang tanong. Nakangiti siya at nahalata sa mukha ng estudyante ang pagkamangha. Napatulala ang babae.
"Excuse me..." tawag niya pero nakatingin lang sa kaniya ang babae.
"Excuse..."
"Miss?" napakamot na sa ulo niya si Athrun.
Ganito ba talaga kalakas ang karisma ko? Hindi niya alam kung anong gagawin niya para mapabalik ang babae sa kaniyang sarili. Matagal niya itong pinakatitigan.
Badtrip! Napabuntong hininga siya saka inilapit ang mukha sa mukha ng babae at binulungan niya ito gamit ang napakalambing na boses.
"Miss...pahiram naman ako ng tuwalya..' bulong niya.
"Ugh!" bigla nalang natauhan ang babae. "Uh, oo nga. Tuwalya? S-sasaglit lang ah.." agad na tumayo ang babae at naghalungkat sa isang puting closet.
Makalipas ang ilang minuto,agad na inilahad ng babae ang tuwalya kay Athrun habang namumula. Napangiti siya. "Salamat." sabay kindat niya dito.
Lalo namang namula ang babae. Natawa nalang si Athrun paglabas niya ng Clinic.
Ako na talaga. Bumalik siya sa pool at nilapitan si Stella na nakaubob sa kaniyang mga tuhod. Naiintindihan niya kahit paano ang nararamdaman ni Stella at nakikita niya sa mga mata nito ang pinong kalungkutan na hindi niya mawari kung saang kalungkutan ito.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
Roman d'amourFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.