Chapter 36

42 5 0
                                    

Agad na pinaalam ni Dexter kay Lelouch ang nasabing birthday party.  Binigyan niya din ito ng mga instructions na gagawin.  Siya na din ang nagpadala ng gown at suit na susuotin ng dalawa.  Pati na ang maskara dahil sa Masquerade ang theme ng party. 

"Are you ready Stella? " tanong ni Lelouch sabay pasok sa kwarto ng dalaga. Agad ang pagkamangha niya nang nakita niya ito. 

Kitang kita ang kaputian niya dahil sa itim ang suot niyang gown. Venitian Style ang kaniyang suot na kulay itim. Para siyang si Cinderalla. Nakasuot din siya ng gloves na kulay itim at ang ayos ng buhok niya ay nakabraid ang kanang bahagi at may pearl na brooch na hugis buwan na sumasakop mula sa kanan niyang braid pababa. Nakalugay naman ang kaliwa. Natural na make-up lamang ang ginamit para ma-highlight ang natural niyang kagandahan. Ang kaniyang asul na mga mata na napalungkot.

"You're so beautiful Stella.. " ani niya.

Ngumiti ng bahagya ang dalaga. "Salamat.  Ikaw din. "

Isang tux lang na kulay puti ang kaniyang suot.

Lumapit si Lelouch at kinuha ang black na mask sa kama at dahan dahan niyang inilagay ang sabitan sa magkabila nitong tenga. Lalong nakita ang kagandahan ng kaniyang mga mata.

"Let's go then. " isinuot naman niya ang kulay gold niyang maskara at kinuha ang kamay ng dalaga para ihawak sa kaniyang braso.

Pagbaba nila ay sinalubong sila ng bodyguard. Kapwa namangha ang dalawa. Inalalayan nila si Stella hanggang sa makapasok ng kotse.

Hindi naman na tinanggal ni Lelouch ang kamay niyang nakapulupot sa maliit na baywang ng dalaga. Hindi parin mawaglit sa isipan niya ang nangyari kahapon. Kung paano siya ireject ni Stella. Ni hindi mo man lang alam ang nangyari. Kapag naikasal ka sakin,  gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako.  Gaya ng pagmamahal ko sa iyo.

Nakatingin lang ang dalaga sa labas ng bintana at tinatanaw ang nagkikislapang ilaw sa kalsada.

Sa sabado na ako i-eengage. Paano na tayo Gino?  May pag-asa pa ba tayo?

Ang kaniyang puso ay parang nilukot. Isipin pa lamang na hindi silang dalawa ang magkakasama ay gugustuhin na lamang niyang mawala.

Isang oras ang naging biyahe nila. Pagdating doon ay muli siyang inalalayan ni Lelouch. Hindi maalis ang ngiti sa labi nito na nakakapagpainis kay Stella. Bago sila makalakad ay inilagay ni  Lelouch sa leegan ni Stella ang isang silver na kwintas na may pendant na infinity.

Pagpasok sa loob ay nakita nila ang napaka eleganteng hall ng party kung saan naroon ang mga bisita. Kaniya kaniya sila ng grupo. Lahat ay napaka elegante. Halos puro itim ang kasuotan ng mga babae at puti naman ang sa lalaki.

May lumapit sa kanilang dalawa na isang lalaking nakakakulay puti ng suit at asul na maskara.

"Hi,  baby girl. You look so beautiful tonight. " hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinalikan ang likod ng palad nito.

"You're here Dexter. " bati naman ni Stella.

"Ofcourse. Thanks Lelouch for taking care of her. " ani Dexter.

Tumango lamang naman si Lelouch. Hinigpitan niya ang hawak sa baywang ng dalaga.

"Mind If I have my cousin? Ipapakilala ko lang siya sa mga business tycoon na kasama natin dito. "

"Sure. No problem. " binitawan niya ang dalaga at agad namang kinuha ni Dexter ang kamay nito. Inilayo niya kaagad kay Lelouch.

Habang sa upper deck naman ng hall ay naroon ang dalawang binata. Ang isa ay nakaitim ng suit at nakaitim ng maskara na parang si Erik ng Phantom of the Opera dahil sa cape nitong suot. Ang isa naman ay nakasuot ng Prince Albert Frock Coat na kulay puti at puting tight pants.  Nakamaskara siya ng kulay silver.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon