Matapos ang ilan pang mga salita ay inayos ni Stella ang kaniyang sarili bago lumabas. Kinatok na rin kasi siya ng bodyguard niyang babae. Nahihiya rin siya dahil panlalaking Comfort Room na naman ang napasukan niya. Pinagpatuloy naman ni Gino ang pagmamop.
Muling sinulyapan ni Stella si Gino bago tuluyang lumabas at isang ngiti lamang ang iginawad nito.
Pagkalabas ay sinuri siyang mabuti ng dalawa. Hindi makaimik ang mga ito. Kahit alam ni Stella na gustong sabihin ng dalawa na mali ang napuntahan niya ay hindi na lamang nagsalita ang dalawa.
Patuloy lamang siya sa paglalakad pabalik sa pwesto nila ni Lelouch. Kuyom kuyom niya ang maikling tulang ginawa para sa kaniya ni Gino pati narin ang pag-asang makakagawa sila ng paraan para makalaya sa bangungot na ito.
Isang matamis na ngiti lamang ang sumalubong kay Stella pagbalik niya. Hindi ba ito napapagod sa kakangiti? Turan niya sa kaniyang sarili.
Matapos ang kanilang pagkikita ay lumabas na sila. Tiningala ni Stella ang restaurant at nakita niya ang isang bulto ng tao na nakatanaw sa kaniya mula sa taas.
Gino...
Inilipat na ng mga body guard niya ang kaniyang maleta sa sasakyan ni Lelouch.
Pagkatapos ay iginiya na siya ng binata papasok sa kotse. Nakasunod parin naman sa kaniya ang dalawa ngunit wala siyang pakialam. Ngayon ay namamawis na ang kaniyang palad sa kaba. Ilang beses na rin siyang napapabuntong hininga dahil ito na ang sandaling titira siya sa tahanan ng ibang tao. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam. Paano niya pakikitunguhan ang lalaking ito? Kung sana ay sa bahay na lamang niya ito tumira ay mapapanatag siya kahit papaano. Nariyan ang kaniyang kuya Avel. Pero ngayon ay wala na.
Paano na kapag maliligo siya? Paano na kapag magbibihis siya? Paano ang pagkain niya? Sa buong buhay niya ay ni minsan hindi niya pa naisip ang mag-isa. Kahit malaki na siya ay pinapaliguan pa rin siya ng kuya niya at binibihisan.
Ito ang isa sa mga bagay na hindi niya natutunan. Kung paano mag-alaga sa sarili dahil alam naman niya na may mag-aalaga sa kaniya.
Napapikit siya. Anong gagawin ko?
Naramdaman na lamang niya ang paglapat ng isang kamay sa kaniyang hita.
"Are you okey? You look tense. " pag-aalala ni Lelouch na kanina pa pala siya tinititigan.
"I'm fine. " mabilis niyang naging tugon. Tiningnan niya ang kamay nitong nakapahinga sa kaniyang hita. Wala lamang siyang naging reaksyon dahil nasanay siya sa mga kuya at pinsan niya. Pero kung si Gino ito, para na siguro akong isdang piniprito.
Tumingin na lamang siya sa bintana habang naglalakbay ang sasakyan ni Lelouch at ang kamay nito ay hindi na natanggal pa sa kaniyang hita hanggang sa dumating sila sa isang bahay.
"We're here. " ngiti ng binata sa kaniya.
Tiningnan ni Stella ang bahay at isa lang itong simpleng 2 storey. Maliit na bahay lamang.
Bumaba na siya. Nagmamadali din ang dalawa niyang bodyguard para ayusin ang mga gamit niya. Nakatitig lamang siya sa labas.
"Halika na Stella. We have to discuss some things. Ayaw kong nandito sa labas. " Tiningala niya ang binatang malapad parin ang ngiti sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at muling dinampian ng mainit na halik.
Muli ay bumuntong hininga siya dahil naiinis siya. Hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya kay Lelouch.
Nagpatianod siya sa binata habang ang mga body guard ay abala sa pag-pasok ng kotse sa loob.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.