Pagsakay sa sasakyan ay bumalik lahat sa alaala ni Stella ang nangyari. Hindi niya matanggap na ginawa ni Minally sa kaniya ang bagay na iyon. Itinatanong niya sa kaniyang sarili kung totoo ba ang sinabi nito sa kaniya na hindi niya itinuring na kaibigan si Stella? Lahat ba ng pinagsamahan nila ay kunwari lang?
Idinikit niya ang kaniyang ulo sa salamin ng sasakyan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ang luha ay nagtuloy tuloy sa kaniyang mga mata.
Hanggang kelan ba ako magdudusa ng ganito? Pagod na pagod na ko. Pagod na kong mabuhay pa.
Sumagi sa kaniyang isipan ang mga salita ni Gino. Tanging iyon lamang ang pinanghahawakan niya. Iyon lamang ang patuloy na nagsusustento sa buhay niya. Kailangan niyang manghawak dito anuman ang mangyari.
Kinagat niya ang kaniyang labi. Gino, bilisan mo.
Pagdating sa bahay nakita niya si Avel, Dexter at Carlo kasama si Lelouch. Napabuntong hininga lang siya. It's too much. Ayaw ko ng makipag-usap sa kanila.
"Hi Stella. " bati ni Lelouch saka kinuha ang bag ni Stella at hinalikan ang kaniyang pisngi. Nasanay na rin siya dito dahil ito naman ang itinuro niya sa binata. Ang humalik sa pisngi bago umalis at pagdating sa bahay.
Tinignan niya lang ang binata at tumango. Lalagpas na sana siya ng pigilan siya ni Dexter.
"Dex wala ako sa mood makipag-usap."
"Five minutes lang Carmel. " ngiti nito.
Ginulo niya ang kaniyang buhok at padabog na umupo sa sofa. Yumuko lang siya. Magulo na ang kaniyang buhok kanina ngayon ay mas lalo na. Para siyang batang ayaw sumunod sa utos ng magulang niya.
Naramdaman niya ang kamay na nagsusuklay sa buhok niya. Tiningnan niya kung sino ito at isang nakangiting mukha ni Lelouch ang bumungad sa kaniya. Para siyang si kuya Avel. Ang kaibahan lang ay nakangiti ito palagi at ang kuya ko naman ay hindi.
"Ayusin natin. "
Umubo si Avel at nakita niyang nakataas ang kilay nito. Kunot na kunot ang noo at wari moy isang pirma nalang ay mananapak na. Ito kasi ang unang beses na makikita siya ng kuya niyang inaalagaan ng ibang tao.
"Lelouch, pwedeng pahangin ka muna sa labas? Nichols talk lang. " sabi ni Dexter habang niluluwagan ang kwelyo ng damit na suot. Bagong gupit ito at bagong ahit din kaya medyo nabawasan ang pagiging mapanganib ng itsura nito.
Agad namang sumunod si Lelouch at umakyat sa taas.
Pagkaalis niya ay isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Dexter. Masama naman ang tingin ni Avel dito dahil alam niyang mag-uumpisa na naman ito sa pagpapaalala sa kaniya tungkol sa rules ng kanilang pamilya.
"Carmel... ano nga ang pangalan ng sinisinta mo? " nakakunot na tanong ni Dexter. Ngayon niya lang ito nakitang kumunot ang noo. Sa itsura niya ay parang napapagod na siya.
"Bakit Dexter? " sagot niya.
"Oh well gusto ko lang naman na iconfirm kasi ayaw kong maniwala sa dalawang ito. " tinuro ni Dexter si Avel na malambot ang tingin sa kaniya at si Carlo na masama ang tingin kay Dexter.
"Ano bang sinabi nila? " tanong ni Stella.
"Hay baby girl! Is he really a Weinberg? " tinuro ni Dexter ang coffee table na parang andon ang tinutukoy niya. Hinilot hilot niya pa ang sintido niya.
"What if he is? Ano na naman ang problema mo? "
Napatakip ng mukha si Dexter at nagsabi ng kung anu-anong salitang hindi nila maintindihan. Umirap lamang ang dalawang lalaki dahil sa akto ng pinsan nila.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.