Naririnig mula sa kinalalagyan nila ang kasayahan sa baba ng kapwa nila mga estudyante.
Tumayo si Gino at inilahad ang kamay kay Stella. Malugod naman itong tinanggap ng dalaga.
Nagyakap silang dalawa at sumabay sa saliw ng kantang : One Last Song ng A1
Saktong alas otso nang tumigil si Avel sa tapat ng St. Stella Mallis. Nakita niya kaagad si Gino na may kasamang maliit na babae na nakagown. Nanliit ang mga mata niya. Si Stella ba yon?
Napairap siya. Napagdesisyunan niyang lumabas para malaman kung si Stella nga iyon. Hindi siya nagkamali.
"Hi kuya Avel! Late ka ng 10 seconds!" Pangaral ng kapatid niya na nakapout na naman. Ang cute talaga nito.
Nakita niya ang kamay ng dalawa na magkasiklop pero hindi na niya iyon pinuna pa. Para saan pa? Sulitin niyo ng dalawa ang pagkakataon. Habang kaya pa ng panahon.
"Tara na. Gino?" Tawag niya saka binuksan ang backseat.
"Bakit?"tanong nito sabay tulak kay Stella ng marahan.
"Sumabay kana." Sabi niya na nakapagpagulat kay Stella. Namilog ng husto ang asul na mga mata ng dalaga.
"Hindi nga kuya? Seryoso?!" Inuga- uga pa niya ang braso ni Avel. Muli siyang napairap pero tumango din kaagad.
"Hala! Milagro ito! Milagro!" Nagtatatalon pa siya sa tuwa niya pero kaagad ding tumahimik nang tiningnan siya ni Avel ng masama.
Napailing naman si Gino.
"Sakay na at baka magbago pa ang isip ko." Sabi niya saka umikot para pumasok sa driver's seat.
Hinila naman ni Stella si Gino sa may backseat. Ubod ng lapad ang ngiti sa labi ng dalaga. Dumikit siya ng husto kay Gino na akala mo ay mawawala kapag sandaling nagkalayo ang agwat nila.
Naiinis si Avel oo. Inis na inis siya sa katotohanang nakikita niya. Mahal na ng kapatid niya si Gino. Paano na kapag ipinakilala na sa kaniya ang Lamperouge? Anong gagawin niya kapag nalaman niyang ipapakasal siya dito? Paano sila ni Gino?
Shit naman! Anong dapat kong gawin?
Gusto niyang lumaban. Gusto niyang siya mismo ang lumaban para lang isalba ang pagmamahalan ng dalawa pero tanong niya sa sarili niya ay paano? Paano siya lalaban? Anong panlaban niya? Anong magagawa niya kung wala pa siyang nararating? At kung meron man...kaya ba iyon para mabangga ang pamilya nila? Ang angkan nila?Napailing nalang siya at hinawakan ng mahigpit ang manibela. "Nga pala bakit ganyan ang suot mo, Stella?"
Tumawa naman ang dalaga. "Kasi nagcosplay ako ng Cinderella kaso, nagulo na ang ayos ko. Nagtatakbo kasi ako."
Napangiti siya. Bata ka pa nga. "Tssk. Para ka talagang bata."
"Maganda ba ko?"tanong ni Stella sa dalawa.
Parehong sumimple ng ngiti ang dalawang lalaki pero hindi sila sumagot.
"Ano?!"padyak niya. "Tinatanong ko kayo a!"
"Oo. Maganda ka." Sabay na sabi ng dalawa.
Tiningnan ni Stella si Gino. Tiningnan din naman siya pabalik ng binata at parang may namamagitang pag-uusap sa kanila sa pamamagitan ng tinginan nilang iyon. Nasa gitna silang dalawa at sobrang dikit sa isa't- isa. Pinabayaan nalang sila ni Avel dahil alam niya na may mangyayaring hindi maganda sa kapatid niya. Habang tinitingnan niya si Stella at Gino, nasasaktan siya. Parang tinutusok ng mumunting karayom ang puso niya. Paulit-ulit.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.