CHAPTER 19

32 8 0
                                    

Padabog na sinara ni Avel ang pintuan ng kotse niya. Late na siya dahil sa pag-iisip niya kanina pero wala siyang pakialam. Hindi pa rin niya matanggap sa sarili niya ang impormasyong si Stella ang magmamana ng korporasyon ng lolo niya. Lalong hindi niya matanggap ay ang impormasyon na makukuha ni Stella ang korporasyon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa isang Lamperouge.

Kunot na kunot ang kaniyang noo habang naglalakad papasok sa HRDM building. Dito gaganapin ang isa niyang klase. Kinuha niya ang cellphone niya saka idinial ang numero ng pinsan niyang si Dexter para kumpirmahin kung kikitain nga nito ang sinasabing Lamperouge na siyang mapapangasawa ni Stella.

Isinuksok niya ang kanan niyang kamay sa bulsa niya at itinapat ang cellphone sa tenga niya. Makalipas ang ilang ring ay sinagot na siya.

"Yow dude." Bati ng pinsan niyang si Dexter.

Pinindot niya ang up button nang matapat siya sa elevator. Nasa 5th floor kasi ang room niya.

"Imi-meet niyo ba yung Lamperouge ngayon?" Tanong niya saka pumasok sa elevator nang bigla itong bumukas. Pinindot niya ang 5th floor button at saka ito sumara.

Tumawa naman ang nasa kabilang linya. "Yes dude papunta na. Don't worry, We'll background check him para pagpinresent kay Stella ay hindi mo mabugbog."sabay tawa nito na ikinainit ng ulo ni Avel.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya at huminga ng malalim. "Tsk. Glad to hear that."sagot niya.

"Really pare?"tumawa ito.

Umirap si Avel sabay labas sa elevator. "Hell yeah."

Tumawa na naman si Dexter sa kabilang linya at sa asar niya ay pinagpatayan niya ito ng linya. Nang makarating siya sa room ay agad niyang inislide ang pintuan kung saan napatingin ang professor niya na nagsusulat sa whiteboard. Ni hindi man lang niya ito tiningnan. Basta na lang siya nagdire-diretsyo sa bakanteng upuan.
Napatingin siya sa cellphone niya nang umliaw ito at binasa niya ang text na galing sa kuya niyang si Jin. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-init ng ulo niya dahil sa laman ng text ng kuya niya at kung pwede lang magbasag sa room nila ay kanina niya pang ginawa.

Hambog:

Hey! Have fun naman! Do some girls and don't be too grumpy! Hahaha :P

Kinagat niya ang labi niya sa inis at dali-daling binura ang text ng kuya niya. Kakarmahin ka rin! Hambog ka!

Nagpalibot libot si Stella sa buong quadrangle at ginawa ang lahat upang masiyahan siya. Sumali siya sa iba't-ibang booth. Kumain sa iba't- ibang stoll, nahuli sa Jail Booth, nanood sa Wedding Booth, nakipagkwentuhan sa ibang mga estudyanteng nakacosplay,nagdedicate ng kanta muli para kay Gino, nagpadala ng mga letters para kay Gino, ipinahuli si Gino pero walang nakahuli dito sa hindi malamang dahilan at iba pa.

Kahit na gustong-gusto na niyang puntahan ang binata sa lugar nito ay pinigilan niya. Hindi pa rin niya kasi alam kung anong paraan ang una niyang isasagawa para magkaayos silang dalawa.

5PM na at ito ang oras na dapat ay susunduin na siya ng kuya niya. Hala pano yan? Di pa kami ayos ni Gino!

Expected na niya na tatawag ang kuya niya at di nga siya nagkamali. Tumatawag na ito sa kaniya ngayon. Sa bago niyang cellphone. Napapout siya. Sana kapag nagpaalam siya na mag-eextend ng oras ay mapagbigyan siya nito.

"Hello kuya Avel..." Pinalambing niya talaga ang boses niya.

"Stella, get ready susunduin na kita." Napairap siya at napapout. Itong kuya niya talaga, napakaboring! Nasa boses nito ang pagiging istrikto at bossy.

"Kuya, kasi hanggang gabi ako ngayon sa school kasi Annual Festival namin. Pwede bang mamayang 8PM mo nalang ako sunduin?" Malambing niyang pakiusap sa kuya niya at hinihiling niya na sana ay maawa ito sa kaniya at payagan siya.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon