Doon na napaangat ang paningin ni Stella. Para siyang sinampal ng pagkalakas lakas at nagising siya.
"Anong sinabi mo kuya?" Iyak niya.
"Hindi na kayo pwedeng mag-usap, hindi na kayo pwedeng magkalapit Stella."
Nagpapadyak siya at nagsimula siyang umiyak ng mas malakas.
"No kuya! You won't let that! Hindi pwede!" Iyak niya.
"At bakit hindi Stella?! Bakit hindi pwede?! Don't tell me may mas malala pa dito sa pagkakakandong mo sa kaniya habang naghahalikan kayo?! Tell me at ngayon din pupuntahan ko siya at papatayin ko! Magsalita ka!" Sigaw na naman niya. Sa pagkainis niya ay tinanggal niya ang salamin niya at ibinato sa sahig kaya nabasag ito at nagkalat ang maliliit na piraso ng bubog.
Nagtaas na din ng boses si Stella. "Nothing happened between us kuya! Bakit ka ganyan mag-isip?!"
"At bakit hindi kung ganito ang makikita ng mga mata ko?!" Pinagtuturo niya ang mga litratong nagkalat sa sahig nila.
Umiyak na naman si Stella. Nagkandagulo gulo na ng husto ang kaniyang buhok dahil sa kakasabunot niya. Gusot gusot na din ang uniform niya sa kakalukot niya dito.
"Kuya please...don't!"
"No freakin way Stellar. Pinababayaan kita na makipagkita at makipag usap sa kaniya because I believe in your words. I believe that you will never betray your promises to me pero look what you've done! Alam mo ba kung gaano kasakit ito? Ito Stellar? Alam mo ba?"
"Kuya Avel."
"Your sorry can never change a thing. Wala kang ibang gagawin ngayon kundi ang sundin ang lahat Stella! Susunod ka sa pamilyang ito!"
"I won't! Sino kayo para diktahan ang buhay ko? Kuya Avel please don't be like them! Please don't be like mama..."
Bigla ang paglambot ng paningin ni Avel. Natunaw ang kaniyang galit at gusto na lamang niyang lapitan ang kapatid niya at patahanin sa kaniyang pag-iyak. Gusto niyang aluin ito at sabihing magiging okey lang ang lahat.
Napaupo siya at inihilamos ang kamay niya sa kaniyang mukha. Rule is rule. Wala siyang magagawa.
"I'm sorry Stella. I'm sorry for being part of the Nichols. Kung pwede lang ibigay ka sa mga Louisser sige lang. Kaso....hindi papayag ang mga Nichols."
"Kuya Avel."
"We've been on several meetings. Our family." Parang hirap na hirap siyamg magbanggit ng mga salita dahil alam niyang tunay na masasaktan ng husto si Stella. Ayaw niya. Ayaw niya pero anong magagawa niya?
Marahas siyang bumuntong hininga. Hindi siya makatingin sa kapatid niya dahil nahihiya siya. Nahihiya siyang wala man lang siyang nagawa para pigilan ang lahat. Hinayaan niya lang.
Pero sino ba siya?
"It's all about lolo's last will. Kung sino ang magmamana ng kumpanya niya, ano ano ang maiiwan sa bawat isa, sino sino."
"What about me?" Tanong ni Stella.
Tiningnan niya ang kapatid niyang namumugto ang mga mata at maputlang maputla. Gustong gusto niyang yakapin ito pero kailangan niyang magmatigas.
Lumunok siya. "Ikaw. Ikaw ang magmamana ng kumpanya niya." Diretsyahang sabi ni Avel kay Stella na wala namang naging reaksyon.
"Okey." Sagot nito na ikinagulat niya.
"Anong okey?" Kunot noong tanong ni Avel na hindi makapaniwala sa isinagot sa kaniya ng dalaga.
"If that's what lolo wants." Sagot ni Stella.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.