CHAPTER 10

69 14 0
                                    

"Kuya Jin, don nalang tayo sa study room." aya ni Stella kay Jin.

"Sige baby." tumayo siya at hinawakan ang kapatid niya. Umalis sila para pumunta sa study room at palihim namang sumunod si Avel atbalak niyang pakinggan kung anuman ang pag-uusapan ng dalawa.

Nong makapasok na si Jin at Stella sa may study room, umupo sila ng magkatapat. Habang si Avel naman, dinikit ang tenga niya sa may pintuan.

Humalumbaba si Jin at naging seryoso ang mukha. "Ano na yun baby?" tanong niya.

Pinaikot-ikot ni Stella ang daliri niya. "Kasi kuya....ano.."

"Stella baby sabihin mo na.."

"Diba, kilala mo si Gino?" palapit siya ng palapit sa kuya niya at ganoon din ito sa kaniya.

"Oh, anong meron kay Gino?"

"Kasi kuya..."

"Honey, you're blushing. What's the matter?"

Tumingin si Stella sa may pintuan saka hinila ang tenga ni Jin. "Baka nakikinig si kuya Avel.." bulong niya.

"Bulong mo dali..." bulong niya din.

"Kuya Jin...nag-aminan na kami ni Gino.."

Bigla nalang nanlaki ang mata ni Jin. "WHAT?!" sabay sigaw niya.

Pinamulahan naman ng mukha si Stella. "Shh! Ka lang."

Si Avel naman, kahit na sobrang idinikit niya na ang tenga niya sa may pintuan ng study room eh wala pa din siyang marinig.

"Ano ba yan? Nagbubulungan ba sila?" inis na sabi niya. "Baka kung ano ng tinuturo niya kay Stella."

Hinawakan ni Jin ang mukha ni Stella. "Sabi ko na nga ba eh. In love ka nga!" ngiti niya.

"Kuya..tago mo lang to kay kuya Avel ah, sigurado kasi na papalayuin niya ko kay Gino kapag nalaman niya." bulong niya.

"Akong bahala sayo baby. Muaaah! Love you so much!" hinalikan siya ng hinalikan ng kuya niya sa buong mukha niya.

"I love you too kuya Jin!"

"Tara na sa labas baby!" sinigaw ni Jin para marinig ni Avel at agad naman itong umalis sa pintuan na naiinis dahil wala siyang narinig sa pinag-usapan ni Stella at Jin.

SATURDAY. Maagang nagising ang magkapatid na Jin at Avel. Nasa kusina sila ngayon at nag-aalmusal nang dumating si Stella na bagong gising at mukhang hindi pa nakakapagmumog. Gulo-gulo ang buhok niya nang umupo siya sa upuan at kumuha ng french toast at kinain.

"Baby, naghilamos ka na?" tanong ni Jin. Umiling lang si Stella at pinagpatuloy ang pagkain.

"Stella, weekend ngayon kaya sasama ka sakin okey?" sabi ni Avel sabay higop ng kape.

Tumango lang ang dalaga bilang pagtugon.

"Baby ko, nakatulog ka ba? Ano, napanaginipan mo ba?" tumatawang tanong ni Jin sa kapatid niyang nakatulala habang kumakain.

"Tssk. Kumain ka lang diyan Stella. Wag mo nang pansinin ang isang yan."

Pagkatapos nilang mag-almusal, inutusan ni Avel si Stella na mag-ayos ng sarili dahil nga aalis sila pero para lang siyang nakipag-usap sa hangin dahil nga tulala pa din ito kaya siya nalang ang  nag-ayos sa kapatid niya. Pinaliguan niya ito, sinuklayan, pinulbusan at pinalitan ng damit. Pagkatapos niyang maayusan ay hinawakan niya ito sa kamay at umalis na sila. Habang si Jin naman ay pumasok na sa school.

Nagalalakad si Avel at Stella na magkahawak ang kamay. "Oy," tawag ng kuya niya.

"Kuya, magtaxi nalang tayo, ayokong maglakad eh."

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon