Walang ibang ginawa si Gino kundi ang aluin lamang si Stella na kada matatapos ang isang iyak ay may panibago na naman. Hinintay niyang makatulog ang dalaga bago siya nagpasyang umalis. Hinagkan niya ng masuyo ang noo nito. Dumaan siya sa bintana ng veranda sa kwarto ni Stella at walang may alam kung paano siya nakababa.
Habang si Avel naman ay natagpuan na lamang ang sarili niya sa harap ng coffee shop ni Gino.
Sumalubong sa kaniya si Thea na halatang nagulat sa pagdating niya.
"H-hi?" Alanganin niyang bati.
"Come with me." Matigas niyang sabi sa dalaga saka nya tinalikuran. Naguguluhan man ay sumunod si Thea kay Avel.
Inaasahan niyang pagbubuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan niya ngunit hindi ito nangyari. Dismayado siyang pumasok sa kotse ni Avel at nadama nya kaagad ang malamig na aura mula dito.
Inayos niya ang kaniyang pagkaka-upo. Hindi niya alam kung magsasalita siya o mananahimik na lang. Kung magsasalita naman siya, anong sasabihin niya? Kukumustahin ba niya?
"San tayo pupunta?" Iyon ang salitang nasabi niya.
Hindi man lang siya nito sinagot bagkus ay pinaandar ang kotse at minaneho.
Walang nagawa si Thea. Nagpatianod na lamang siya. Hindi na rin siya nagsalita. Kinakagat kagat niya ang kaniyang labi para lang maibsan ang kaba sa kaniyang puso pero kahit ata sugatan niya ang kaniyang sarili ay hindi mawawala ang tindi ng kabang nararamdaman niya. Kasama niya si Avel! Si Avel Louisser na walang ibang ginawa kundi ang i-intimidate siya sa kahit anong paraan.
Bumuntong hininga siya. Ang kaniyang mga daliri naman ang pinagkaabalahan niya. Ano ba ito? Sobrang nakakailang siya!
"We're here." Nagulantang nalang siya ng magsalita si Avel. Tumigil na pala ang kotseng sinasakyan nila.
"Ahh..nasan tayo?" Tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at wala siyang ibang nakita kundi Kadiliman.
Napakunot ang noo niya nang Makita niya si Avel na nakasubsob sa manibela. Nakailang buntong hininga ito bago minasahe ang gitna ng ilong. Tingin niya ay pagod na pagod ito sa kung anuman ang ginawa nito. Gusto niyang lumapit sa binata at haplusin NG marahan ang buhok nito at yakapin ng napakahigpit at sabihing kung anuman ang pinagdaanan mo ay nandito lang ako. Pero, si Avel ito. Ang lalaking kahit kailan ay hindi niya maaabot.
"I'm tired." Sa wakas ay nagsalita ito! Parang may kung ano sa puso niya ang humaplos. Nag-aalangan man ay humugot siya ng lakas ng loob para tanungin ito.
"Tired of?"
Ibinaling ni Avel ang paningin niya kay Thea. Napalunok ang dalaga sa ginagawang pagtitig ng binata sa kaniya. Gusto niyang ibaling sa iba ang mga mata niya pero para siyang namamagnet sa malalalim na mata ni Avel. Gusto niya itong hilahin at yakapin o higit pa doon. Higit pa doon ang gusto niyang gawin.
"Everything." Sagot lamang ng binata. Masyadong general dahil sa salitang everything. Ibig sabihin pagod na siya sa buhay niya, pamilya, pag-aaral, ano pa ba?
"Sorry Avel. A-anong magagawa ko?" Tanong niya. Napakagat siya sa kaniyang labi. Ano, Mali ba yung sinabi ko? Naku baka samain ako dito.
"I have ruined her life." Who's her? Kuryoso niyang tanong sa sarili niya na hindi niya maiivoice out. May someone na ba siya? Kaninong buhay ang sinira niya?
Napalunok siya. "Sino?" Tanong niya. Ginusot gusot niya ang suot niyang damit. Nakatingin siya kay Avel.
Umiling lang ang binata at muli ay bumuntong hininga. Hindi malaman ni Thea kung ano ba ang mga salitang dapat niyang sabihin para lang mag-open up sa kaniya si Avel. Gustong-gusto niya itong kausapin pero inuunahan siya ng hiya. Dapat ay perpekto siya sa mata ng binata. Dapat ay maingat ang my salitang bibitawan niya dahil isang mali lang at siguradong matuturn - off si Avel sa kaniya. Kung hindi naman siya magsasalita ay paano nalang ang conversation nila? Hindi niya na alam kung saan pa siya lulugar. Napakahirap naman nito...nakakainis.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.