CHAPTER 27

39 7 10
                                    

Nagsialisan na si Lucas, Dexter at Carlo sa bahay ng mga Louisser. May kaniya-kaniya na daw kasi silang aasikasuhin. Isang pagbabanta lamang sa magkapatid ang iniwan ni Dexter kaya nagkukumahog ang dalawa sa paggawa ng plano tungkol sa kung paano nila sasabihin kay Stella ang lahat.

Isang phone call ang narecieve ni Jin mula sa kaniyang kinauupuan.

"Yes, what's the matter?" Sagot niya habang nagbabasa sa kaniyang magazine.

"What? As in today?! Pero hindi ako pwedeng umalis right now! I have some matters to resolve!" Napahilamos siya sa kaniyang mukha pataas sa kaniyang buhok.

"Tell mom I'm not coming! No more buts!" Sabay baba ng cellphone niya at padabog na pinatong sa lamesita nila.

Sakto naman ang pagdaan ni Avel galing sa kwarto ni Stella.

"Avel, kapag umalis ba ko makakaya mo si Stella?" Nakayukong tanong ni Jin na nakapag pakunot sa noo ni Avel.

Inayos nito ang buhok niya saka sumagot ng may kayabangan sa kuya niya. "Kayang kaya ko. May problema ba?"

Napatawa ng pagak si Jin. Isinandal niya ang magkabila niyang braso sa sandalan ng sofa na inuupuan niya. Kitang kita ang tambok ng muscles nito at ang hubog ng kaniyang dibdib na nakapagpairap kay Avel. Pasikat kahit kelan.

"I'm gonna be at Mom's event."

"Saan yang kalokohan niya?" May bahid ng galit niyang tanong.

Napanguso si Jin. "Korea lang naman." Iling niya.

"Kelan ang alis mo?"

"Maybe tommorrow. Doon na kami magkikita ni Mom. Tinawagan ako ni Tommy kani- kanina lang. Sigurado kang kaya mo si Stella?"

"Oo. Kahit wag ka ng bumalik." Maangas na sabi niya sa kuya niya.

Napailing lang si Jin. "Makakaya mong hindi siya masaktan ng husto? Yung saktong sakit lang Avel?"

Hindi agad nakaimik si Avel sa tanong sa kaniya ni Jin. Hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon. Ang hindi saktan si Stella ng husto ngayong...kaunti pa lang ay para na siyang pinapatay sa sakit.

"Kaya ko."

Napatawa ng malakas si Jin dahil dumaan ang ilang segundo bago ito nakasagot sa kaniya.

"Nakakatawa ka talaga." Tumayo si Jin at tiningnan ng seryoso si Avel. "Kailangan kapag balik ko buong buo ko pa ring makikita si Stella. Ang maganda kong kapatid lalo na ang ngiti niya Carmelo. Dahil oras na hindi ko siya makilala, pangako ko sayo...ipapatapon kita sa Amerika katulad noon kung paano ako ipinatapon ni papa. Naintindihan mo?"

Napalunok si Avel pero hindi niya pinakitang natatakot siya sa kapatid niya. Tiningnan niya ito ng buong tapang at sinagot ng. "Sige lang..."

"Sige. I'll take the call." Tumalikod siya para tawagan muli ang tumawag sa kaniya habang pumanhik na sa taas si Avel para gawin ang mga gawain niya.

Nasa kwarto naman si Stella. Nakaupo lang siya sa kaniyang kama. Nakapatong sa kaniyang nakatiklop na tuhod ang kaniyang mukha. Nakatulala lamang siya habang dinadama ang labi niya.

Hindi mo kailangang humiling. Buong puso ko iyong ibibigay sayo...

Mahal kita Stella...

Mahal na mahal kita...

Hindi mahahadlangan ng kahit ano ang nararamdaman ko para sayo..

Kahit ano pa iyan Stella. Kahit ano pa.

"Gino ko..."

Kumatok si Jin sa kwarto ni Stella bago niya ito binuksan. Sinalubong pa niya ito ng matamis na ngiti.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon