"Jack, look at this!" salubong sa akin ni Andrea sabay pakita ng hawak niyang poster, poster ni Taehyung ng BTS, inirapan ko siya at pinag-patuloy ang pagkain ng ice cream.
"Meron na ako niyan, last month pa." dugtong ko pa dahilan para mapanganga siya at tingnan ako ng masama, nag-shrugged lang ako at kumain na ulit, I love strawberries so much!
"Bagong labas pa lang kaya 'to, ang akala ko pa naman ako ang pinaka-unang nakabili." bulong pa niya na hindi ko na lang pinansin.
"Taehyung is so gwapo talaga, asawa ko na siya from now on!" rinig kong may nag-salita kaya nag-pantig agad ang mga tenga ko at hinanap ang hampaslupang nag-sabi noon, saktong pag-harap ko ay may nakabangga ako dahilan para matapon ang strawberry flavoured ice cream na hawak ko,
Oh my fucking shit!
"What the hell! Look what you have done?" singhal ng pamilyar na boses, 'yung pangit na boses na nag-sabing asawa niya daw ang Taehyung ko. Ginawa ko ang Head to toe thing sa kanya, at ang bruha nakasuot pa ng shirt na sinisigaw ang pangalan ng asawa ko, and that made me want to punch her ugly face.
Agad kong tinapon ang hawak kong cone sakto sa malapad niyang ilong dahilan para mag-tawanan ang mga nasa paligid. Namula naman ang buo niyang mukha dahil sa galit at pag-kahiya samantalang hindi naman ako nag-palita ng kahit na anong emosyon.
"Wala kang karapatang angkinin si Taehyung kasi akin lang siya, huwag ka na ring mag-susuot ng damit na ganyan kasi hindi naman bagay sayo and lastly ang pangit mo." mataray na sabi ko sabay hair-flip at lakad paalis sa harapan niya kasunod si Andrea.
"Woah, that was-uh, cool?" nakangiwing sabi ni Andrea habang nag-lalakad kami sa hallway patungong room, hindi na lang ako sumagot dahil iniisip ko pa rin ang nasayang na strawberry ice cream, kainis last ko na 'yun eh, nasayang lang dahil sa pangit.
Pag-pasok ko ng classroom, as usual. Maingay na naman ang magagaling kong mga kaklase, palibhasa wala na namang teacher sa harapan.
Dumiretso na lang ako sa aking usual seat, still nakasunod pa rin sa akin si Andrea, geez, para talagang aso ang isang ito, kung hindi lang siya maganda hindi ko siya magiging kaibigan.
"I have a good news!" biglang sulpot ni Ericka sabay tili na umalingawngaw sa buong sulok ng tahimik na classroom.
"Spill." bored na sagot ko sabay hablot sa strawberry yogurt na akamang bubuksan palang ng katabi ko, sinamaan ko naman ng tingin ang kaklase ko ng makitang aangal pa siya kaya ayon lumipat bigla ng ibang upuan.
Imbis na sabihin ay binulong pa ni Ericka kay Andrea ang sinasabi niyang good news, jeez. Nakalimutan kong hindi nga pala nakakaintindi ng English ang mga ito, kidding. Muntik ko pang maibuga ang kinakain ko ng bigla silang tumili ng sabay. Sinamaan ko sila ng tingin dahilan para matahimik silang dalawa pero halatang nagpipigil ng tili.
"Magkakaroon ng concert ang Bangtan Boys here sa Philippines!" sabay na sabi nila tapos nagsisigaw na ang mga bruha 'yung ibang nakarinig nakikitili rin, while me? Ugh. Maganda pa rin, mawawala ang poise ko kapag tumili ako, and duh! Hindi ko gawain 'yun.
Sabay pa silang napatigil ng makitang hindi ako nakiki-join sa celebration nila.
"Oh my God, don't tell me na nawala na ang pagmamahal mo kay Taehyung? Jack! Oh my, anong nangyari, ang Jin ko na ba ang gusto mo? Hindi pwed-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng mapansing masama ang tingin ko sa kanya, exaggerated masyado, hindi ko ipagpapalit si Taehyung kahit kanino 'no.
"Alam ko na yesterday pa." sabi ko habang inabot sa isa ko pang kaklase ang basura na hawak ko sabay turo sa basurahan na agad naman niyang sinunod.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Ficção AdolescenteJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...