Chapter XLII (Tug-of-War)

143 66 5
                                    

"Jack! Buhay ka!" tili ng isang babaeng hindi pamilyar sa akin.

Nagsisigaw pa 'yong babae na parang may tinatawag.

Jack na naman? Kailan ba ako tatantanan ng 'Jack' na 'yan?! Kung bakit ba kasi magkamukha kami eh!

"Mae! She's not Jack, ano ba? 'wag ka ngang mag-eskandalo!" saway ni Jungkook sa babaeng nagngangalang Mae

"She's my sister, by the way" pahabol pa niya

Maya-maya ay bali tatlo na ang mga babaeng nasa harapan namin at parang tangang nakatitig lang sa akin.

Nagulat pa ako ng bigla nila akong dambahin ng yakap.

Shit! Ano ba 'to?

"Ano b-ba?!" pilit ko silang tinutulak pero ayaw talagang mag-paawat

Humiwalay lang sila sa akin nang higitin ako ni Jungkook palayo

"Guys! She's not-- what the hell?!"

Napamura pa si Jungkook nang bigla akong sampalin ng isa sa mga babae, at talagang hindi pa sila nakuntento kasi hinigit pa no'ng isa ang buhok ko.

Napadaing ako ng tumama ang tuhod ko sa sahig, at halos isubsob nila ang mukha ko.

May humigit ulit sa buhok ko kaya napaangat ang mukha ko.

"Anong pangalan mo?!"

"A-an--"

"And don't you dare to lie to me! Bitch!" tapos sinampal niya ako sa kaliwang pisngi ko

Napaiyak na lang ako dahil wala akong magawa. Parang nagulat pa siya sabay tulak sa akin kaya napaupo na lang ako.

"Ericka! Ano ba?! Tama na nga 'yan!" boses ulit ni Jungkook

Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa mga siko ko at itinayo ako.

"O-okay lang ako" sabi ko sabay layo sa kanya

Pinunasan ko naman ang pisngi ko. Kainis! Bakit ba kasi napakaiyakin ko?!

'tsaka ko lang na-realized na pinapanood pala nila ang lahat ng galaw ko.

"I-I'm sorry" sabi no'ng babae, tapos 'yong mga kasama naman niya ay tulala lang sa akin.

Bakit ba gano'n ang reaksiyon nila? Pinakatitigan ko pa silang lahat bago mapagpasiyahang umalis. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko at dumiretso ng labas, kahit na tinatawag ako ni Kookie.

Nagpara ako ng taxi at sumakay. Nang makaupo ako ay napahawak pa ako sa anit ko dahil makirot. Shit, grabe naman ang babaeng 'yon.

Nakakainis talaga ang 'Jack' na 'yan. Lagi na lang akong napapahamak dahil sa kanya!

Huminto ang taxi at bumaba ako sa hotel na tutuluyan ko, nag-check in muna ako bago maglakad patungo sa magiging kwarto ko.

I-s-swipe ko na sana ang key card ng kwarto nang may humawak sa braso ko at pinihit ako paharap.

"T-taehyung?" nauutal kong paninigurado

"What's with the ring?"

Muntik pa 'kong mapa-'huh?' sa sinabi niya kung hindi ko lang naalala ang suot kong singsing

"A-ah, hindi 'to a-akin" nauutal na sagot ko

"Sabi mo may boyfriend ka, diba?" bakit ba ganito ang mga tanong niya?

Napatango na lang ako dahil hindi ko na naman mahanap ang dila ko. Nakakatulala naman kasi 'tong kaharap ko.

Muntik pa kong mapasinghap ng isandal niya ako sa pinto. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya halos magkanda-duling duling ako.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon