"Bebe Jack! I miss you!" sigaw ni Taehyung sabay yakap sa akin nang mahigpit.
Napapikit pa ako ng maamoy na naman ang pabango niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung anong brand.
Humiwalay siya sa akin.
"Didn't you miss me?" aniya.
"Tatlong araw lang kaya tayong hindi nagkita! Ang O.A. mo!" singhal ko dahilan para lalo siyang mapanguso.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na ayusin mo naman ang disguise mo! Ang kulit mo eh 'no!" iritadong wika ko ng ma-realize na cap at fake mustache lang na naman ang suot niya.
"Pa'no na lang kapag may nakakilala sayo?! Baka pagkaguluhan ka na--"
Inakbayan niya ako dahilan para matahimik ako.
"I know what I'm doing. Thanks for the concern bebe Jack." at talagang kinareer niya na ang pag-tawag sa'kin ng bebe Jack.
"'Di ako concern 'no."
"Deny pa."
Inirapan ko na lang siya at humalukipkip habang naglalakad kami palabas ng airport.
Nang makapasok kami ng sasakyan ay pinaulanan ko agad siya ng mga tanong.
"Ano daw sabi? 'di ba nagalit ang mga fans niyo nang makita 'yong mga pictures?"
"Nope. But, we need to act as a couple infront of the media, 'yon na lang ang solution."
"What?! Ayoko nga!" angil ko kaagad.
Ayokong maging instant celebrity 'no! I hate attention nga 'di ba?!
"Pero 'yon na lang ang paraan." ngangungusap ang mga mata niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim. "Fine! Para sa kapakanan ng carreer niyo." na plano kong sirain.
"Thanks God, pumayag ka. By the way, how about you? Hindi ka ba ginugulo ng mga fans?"
"Hindi naman." I lied.
"Sa'n ka nga pala mag-s-stay?" tanong ko.
"Sa mansion niyo bebe Jack."
"Okay. Alam ba nila mommy na umuwi ka?"
"Yeah."
"Last question, why are you keep on calling me 'bebe'?" tanong ko ulit sabay halukipkip.
"Endearment?" nakangisi niyang sagot.
"Ang jejemon lang kaya."
"I don't care."
Inirapan ko na lang siya. Bebe?! Sobrang jeje!
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang building, bago ako lumabas ay humarap muna ako kay Taehyung.
"'Wag kang pupunta kahit saan ah? Kung pwede lang mag-stay ka lang nang mansion, okay?"
"Aye aye captain!" magiliw niyang sagot kaya nginitian ko na lang siya bago tuluyang lumabas ng sasakyan at pumasok ng building.
"Mommy, Daddy!" salubong ko sa dalawa na mabilis na naghiwalay mula sa pagkakayakap. Eew. Ang ta-tanda na ang harot pa rin.
"Jack welcome back!" nakangiting sabi naman ni Audrey--I mean mommy pala.
Umupo ako sa harap ng couch kung saan sila nakaupo.
"Daddy, gusto ko na pong gumaraduate ngayong year, can you please do something about it?" straightforward na sabi ko.
Nagkatinginan silang dalawa. Maya-maya ay bumaling sa akin si daddy. Ngumiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...