Epilogue

311 70 62
                                    

Nagmulat ako ng mga mata kahit na hirap na hirap ako.

My God! Pakiramdam ko, napakatagal kong nakatulog. 'di ko maramdaman ang katawan ko.

Nang tuluyan kong maimulat ang mga mata ko ay tumambad agad sa akin ang isang puting kisame.

Maraming nakakabit sa akin at nakahiga pala ako sa isang kama.

Wala ako sa hospital. Nasa kwarto ko ako.

Sinubukan kong mag-salita pero walang lumalabas na boses.

Ano bang nangyari? Ang huli kong naalala, magkasama kami ni Taehyung. Pa'no ako napunta dito?

Halos ilang oras din ako sa gano'ng sitwasyon nang bumukas ang pintuan.

Si Cyndhie.

Nanlaki pa ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin.

"Oh my God" I saw her mouthed bago dali-daling lumapit sa akin

"T-totoo ba 'tong nakikita ko?"

Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko para sana hawakan siya pero sobrang nanghihina ako.

"J-jack, oh God. Buhay na buhay ka"

Nakatingin lang ako sa kanya nang mag-simula siyang umiyak.

Ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan.

"Tatawagin ko lang sila. Stay still"

Umalis siya at naiwan ako.

Kahit nanghihina ako ay pinilit kong tanggalin ang mga nakakabit sa akin. Nang matanggal ko lahat ay sinubukan kong umalis ng higaan.

Napadaing ako nang mahulog ako, sinubukan kong tumayo pero 'di ko maramdaman ang mga binti ko.

What the fuck is happening?! Nalumpo ba ako?!

Oh my God! Hindi pwedeng mangyari 'to!

Napaiyak ako.

Ba't 'di ko makatayo? Namamanhid ang mga binti ko.

"Jack!"

Napaangat ang tingin ko nang may tumawag sa pangalan ko

Si Ericka, kasama niya sina Cyndhie, Andrea at Mae, tapos may kasama silang nurse, teka, si Kaye 'yon ah? Nakatayo lang sila sa hamba ng pintuan at nakatitig sa akin ng 'di makapaniwala.

Sinubukan ko ulit na tumayo pero nasubsob lang ako.

Narinig ko ang mga yapak nila papalapit hanggang sa naramdaman kong wala na ako sa sahig.

"God. J-Jack Lorraine. Buhay ka nga" 'di makapaniwalang wika ni Ericka

Nag-simula silang mag-iyakan habang ako ay lito pa rin.

"Thank God" paulit-ulit na sabi naman ni Mae

Nang matapos silang mag-drama ay sabay-sabay pa silang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.

Pagkatapos no'n ay chineck naman ako ng nurse na si Kaye. Nurse din pala siya? Bakit hindi ko alam.

"N-nasa'n a-ang asawa ko?"

At last, nahanap ko din ang boses ko.

"Asawa?" takhang tanong ni Cyndhie

"S-si Taehyung! Nasa'n si T-taehyung? L-ligtas ba siya? Where is he?"

"Ano bang pinagsasasabi mo Jack Lorraine?" tanong naman ni Ericka

"Ba't mo naman hahanapin ang kumag na Taehyung na 'yun? Eh siya nga ang dahilan kung ba't ka na-coma ng limang taon"

'di ako makapaniwalang napatingin kay Andrea nang sabihin niya 'yon

"A-ano?"

Limang taon?!

"Yes Jack, baka nakakalimutan mo 'yung ginawa nating mission-mission pasagasa, nang dahil do'n. Ta'mo nangyari sayo" sabi ni Ericka

"T-teka, 'di ko kayo maintindihan eh. Dalhin niyo na lang ako sa asawa ko, okay?"

"Ano bang pinagsasasabi mong asawa?! Jack naman! Wala kang asawa kasi buong limang taon kang tulog! My God!"

I fake a laugh kahit na medyo lumilinaw na sa akin ang lahat

"Stop it Ericka! Hindi niyo na 'ko maloloko! Dalhin niyo 'ko kay Taehyung dahil siya ang asawa ko! Kasal kami at mahal namin ang isa't-isa! P-please, si Taehyung, si b-bebe Taehyung ko" napahikbi na 'ko ng tuluyan.

Tangina, bakit ba nangyayari sa'kin 'to?!

Tahimik lang sila habang pinapanood akong humagulgol ng iyak

"'di pwede 'to eh. Kinasal kasi kami diba? Naging ako pa nga si Anne eh, tapos Andrea, naging kayo pa nga ni Jin diba? Si Jungkookie sabi niya love niya daw ako, 'yung deal namin ni Suga, si Jimin, si J-Hope na tahimik, si Rapmonster. 'yung Seventeen! Nasa'n s-sila? Dalhin niyo 'ko s-sa kanila, p-please, K-kaye! Si Kaye! Manager ka nila diba?! Nasa'n sila?! hindi kasi pwedeng mangyari 'to eh. Hindi p-pwede"

Pilit kong inaalala lahat nang nangyari pero unti-unting nabubura 'yon sa isip ko.

"J-jack, nurse mo si Kaye, ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi ka namin maintindihan!"

"Tell me Cyndhie, t-totoo 'yon diba? Totoo ang sinasabi ko" puno ng pag-asang baling ko kay Cyndhie

Tuluyan na 'kong napahagulgol ng iyak nang umiling siya.

Naramdaman kong niyakap nila ako at tuluyan na 'kong nanghina sa sunod na sinabi ni Cyndhie

"This is now the reality, panaginip mo lang 'yon Jack Lorraine"

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon