Hindi talaga mawala sa utak ko ang itsura ni Taehyung kahapon. Shit naman kasi! Hindi ko na alam kung anong hakbang ang susunod kong gagawin! Naguguluhan na talaga ako.
Merong part sa'kin na nagsasabing tumigil na ako sa mga katangahang pinaggagagawa ko pero may part din namang nagsasabing kailangan ko itong ituloy kasi nga nasimulan ko na.
I already admitted to myself na I'm falling for him. Falling, not fallen.
Siguro naman kaya ko pang pigilan 'tong nararamdaman ko right?
"You ready Jack?" napabalik ako sa 'wisyo nang marinig ang boses ni Jin.
Nag-angat ako ng tingin. "Ah, yeah, naka-ready na ang mga gamit ko."
Hindi na ako nag-salita ng kunin niya ang mga gamit ko at sabay kaming naglakad patungo ng van.
Nakalahad ang kamay ni Rapmoster habang nakaharang sa pinto ng van.
"Give me your phone, hindi natin kailangan 'yan habang nagbabakasyon tayo."
"What? Eh paano kapag emergency?!"
"Kaya nga vacation diba?"
I sighed bago iabot ang phone ko sa kanya.
Umupo ako sa pagitan ni Jimin na natutulog at kay J-Hope na tulala. Mas safe dito eh.
"Okay na ba lahat?" tanong ni Rapmonster na ngayon ay nakaupo na sa driver seat.
Saktong pagkasabi niya no'n ay pumasok si Taehyung sa van at pasalampak na sinarado ang pinto.
Palihim akong napasimangot. He's still mad at me and I can't blame him.
Nagsimulang umandar ang van at wala na akong nagawa kung hindi sumandal na lamang sa upuan ko.
This trip is suppose to be fun, pero mukhang kabaliktaran naman ang mangyayari.
Ramdam ko pa rin ang tensiyon sa pagitan ni Jin at Jungkook, tapos sobrang yamot naman ni Taehyung sa mundo, maski si Rapmonster ay nasusungitan.
Napabuntong hininga ako, kasalanan ko lahat ng 'to.
Parang mabibingi ako sa sobrang katahimikan kaya napagpasyahan ko na lang na matulog pero hindi ko magawa kasi hindi ako komportable.
Hindi naman ako pwedeng sumandal kay J-Hope, baka biglang ma-beast mode 'to, at kapag si Jimin naman baka ma-istorbo ko ang tulog niya.
Napanguso ako at tumingin sa unahan. Aksidente pa akong napatingin sa salamin dahilan para magkatinginan kami ni Taehyung.
Sabay kaming nag-iwas ng tingin.
Shit na 'yan!
"J-Hope, can we change seats?" basag ni Jin sa katahimikan.
"Uh, sure." wala sa sariling sagot ni J-Hope.
"Rapmonster, stop the car." utos ni Jin.
"No. 'Wag mong ihinto. Tsk. Pwede bang manatili ka lang diyan sa upuan mo Jin? Nakakasayang ng oras eh." iritadong sabat naman ni Taehyung.
Nagkasalubong ang mga kilay ni Jin, pero sa huli ay biglang lumiwanag ang mukha niya.
"Wow. You speak Tagalog, straight." komento niya.
"My girlfriend taught me."
Muntik na akong mapa-singhap ng marinig ang sagot ni V. Wala talagang preno ang bibig niya!
"Sino? Eun Ji or Lorraine?" usisa pa ni Jin. Tsk. Bakit ba ang tsismoso nito?!
'Tsaka bakit naman napasok sa usapan si 'Lorraine'?
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...