"Gising na Jack! My God! Ako ang malalagot nito kapag hindi ka pa gumising diyan!"
Iminulat ko ang mga mata ko ng maramdaman kong may umaalog sa balikat ko.
"Ano bang problema mo Sintas?!" Iritado at pupungas-pungas kong usal habang pinipilit umupo mula sa pagkakahiga.
"Gising ka na! Thank you Lord." tapos nag-sign of the cross siya, napabuga na lang ako ng hangin ng mag-cross fingers pa siya at pumikit.
Parang tanga.
Teka, bakit ako nandito sa kama? Nanlaki ang mga mata ko ng maaalala ang mga nangyari kanina.
Taehyung just stole my freaking first kiss.
Napahawak ako sa labi ko at pakiramdam ko nag-init ang mag-kabilang pisngi ko.
Taehyung kissed me.
Okay Jack enough, paulit-ulit, 'di maka-get-over? Pero shit lang diba? Parang pangarap ko lang kasi dati 'yon eh.
"Bakit ang saya mo?"
Napabitaw ako sa labi ko tsaka nilingon si Lacey.
"Wala! Bakit ka ba kasi nandito?!"
Kainis, nando'n na eh, bakit kasi laging panira ng moment ang babaeng 'to?!
Jack Lorraine! Don't tell me gusto mo rin 'yun?! Of course not! Talagang naiinis lang ako sa pagmumukha ni Sintas.
"Pinapunta mo kaya ako dito! Atsaka iyon oh." may tinuro siya sa gilid kaya nilingon ko iyon. "Ano bang gagawin mo diyan?"
"Iinumin mo kasi 'yan." sagot ko sabay irap. Pero bago pa siya makasagot ay nag-salita ulit ako.
"Ano bang nangyari? Bakit ako nandito?"
"Kasi nahimatay ka after kis--"
"Shut up! Huwag mo na lang sagutin." umalis ako ng higaan bago dumiretso ng pintuan.
Kainis! Kailan pa bang paulit-ulitin 'yun? Nahimatay ako hindi dahil sa kiss! Nahimatay ako dahil--dahil, ewan ko bwisit!
Nagtaka pa ako ng makitang wala sila sa Living room, malamang naggagala na 'yung mga 'yun. Napabuga ako ng hangin bago bumalik ng kwarto.
"Oh ano? Tititigan mo na lang ba 'yan?" Taas kilay kong baling kay Sintas ng makitang nakatitig lang siya sa frappe.
Umiling iling pa siya bago ilapag iyon sa side table ng kama. Bumalik ako ng kama a humiga sabay kuha ng aking phone at earphones.
Isusuot ko na sana iyon sa tenga ko pero biglang may humablot.
"No, Jack! Hindi ka magpapaka-kill joy ngayon, c'mon." hindi na ako nakapalag ng bigla niya akong higitin paalis na kama.
Ugh.
***
"Arte mo naman! Sinabi ng bawal ang shirt at shorts eh!"
"At ako pa ang maarte ngayon? Baka kasi wala sa dictionary ni Jack ang mag-suot ng bikini?! Buti ba kung ako si Lorraine!"
Sigaw ko pabalik kay Lacey.Nakakainis na kasi eh! Kanina pa kami nag-aaway ni Lacey dito dahil gusto niya bikini din ang suotin ko tulad niya. Not that I don't like wearing those, talagang hindi lang kasi decent 'yon para kay Jack. Duh! Bakit ba hindi niya ma-gets ang point ko?!
"Fine! Kainis!" Singhal niya sabay bato sa akin ng shirt at shorts na agad ko namang nasalo.
"But! Wear this too." sabay bato din sa akin ng white bikini kaya napairap na lang ako bago pumasok ng comfort room.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...