Binitawan niya ako ng mag-bukas ang elevator kaya mabilis kong inayos ang damit kong nagusot.
Aayusin ko na din sana ang buhok ko pero bago ko pa magawa iyon ay pumulupot na naman ang braso ni Taehyung sa bewang ko. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka may makakita sa amin.
"Don't touch me! You jerk!"
Parehas kaming natigilan dahil sa sinabi ko. Shit!Curse that word!
"Taehyung!"
Sabay kaming napalingon kay Jin. Nando'n silang lahat sa tapat ng isang van.
Hinigit na naman ako ni Taehyung patungo do'n kaya nagpatianod na lang ako. Mukhang alam na niya.
Ang tanga mo Jack! Bakit mo hinayaang higitin ka ng kumag na 'to?! Edi mas nabuko ka pa! Bobita!
"Pinupormahan mo ba girlfriend ni Kookie?" Diretsang tanong ni Jimin dahilan para manlaki ang mga mata ko at lumayo kay Taehyung.
"Where's Jack?"
Saktong pagkasabi niya no'n ay bumukas ang pintuan ng van para iluwa ang isang babae.
Manang na damit, malaking eyeglasses, pimples all over the face, braces at pangit na mukha.
Nabato ako sa kinatatayuan ko.
Nanlamig ako habang titig na titig sa mukha niya. Sa mukha niyang gayang-gaya ang akin.
Ibinuka ko ang bibig ko para sana mag-salita pero walang lumalabas na salita.
No, imposible. 'Di ito totoo.
"Taehyung, hi!" Pati ang boses niya. Shit.
Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa pwesto ko.
"Siya ba si Lorraine? 'Yong girlfriend ni Kookie at ang bago niyong manager?" Magiliw niyang sabi.
Nanaginip lang ako. Panaginip lang ito. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at bahagyang umiling.
"Are you okay Lorraine?" Pagmulat ko ay mukha niya agad ang sumalubong sa akin.
Pakiramdam ko nananalamin ako. "W-who are you?"
This. Is. Not. A. Dream.
"My name is Jack Belvis, and you?" Sabay lahad ng kanyang kamay. Imbis na tanggapin ko iyon ay napatitig na lang ako.
Gusto ko siyang sigawan, gusto kong ipamukha sa kanya na ako si Jack at hindi siya. Gusto kong siyang murahin at sumbatan kung gaano kakapal ang mukha niya para gayahin ang maganda kong mukha, pero 'di ko magawa dahil nandito sila.
"Hayaan mo na Jack, mataray lang talaga 'yang si Lorraine." singit ni Jin at siya na mismo ang nagbaba ng kamay ng babaeng nasa harapan ko.
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanila.
Damn you all.
"I-I-I--need to go." mga ilang minuto din yata bago ko nahanap ang dila ko.
Mabilis akong tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan ko. Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong pa. Pero halata sa mukha nila ang pagtataka.
Eh bakit nga ba sila magtatanong? Sino ba ako? Si Lorraine lang ako, hindi ako si Jack.
Mahigpit ang hawak ko sa steering wheel habang nagmamaneho somewhere. Hindi ko alam kung nasaan na ako and I don't care.
Ang buong akala ko pinagtatakpan lang ako ni Suga ng sabihin niya 'yon, 'yon pala--Shit.
Sino ang babaeng 'yon?! At bakit magkamukhang-magkamukha kami? Bakit hindi man lang sila aware na hindi ako 'yon? Mga bwisit din sila eh. Sa oras lang na malaman ko kung sino siya, sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa kabayong malapad ang noo.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...