Chapter XXX (Issue)

228 84 46
                                    

"Kamusta na daw siya?" tanong ko kay Cyndhie pagkatapos niyang makausap ang doctor.

"She's still unconscious pero okay na naman daw ang lagay niya, where's Ericka?"

"Pupuntahan niya parents nila para ipaalam 'tong nangyari." hindi siya umimik at umupo lang sa tabi ko.

"Alam ba ng mga doctor na baliw siya?" tanong ko ulit.

"Hindi, hindi ko sinabi. Malay mo masyado lang siyang depress at hindi baliw diba? Malalaman naman natin kapag nagising siya."

Tumango na lang ako bilang sagot bago sumandal sa inuupuan ko at ipinikit ang aking mga mata.

"Jack?"

"Yeah?" nakapikit paring sagot ko.

"I-I think Jin likes you."

Napamulat ako at lumingon sa kanya. "No. Pinapakita niya lang na may gusto siya sa'kin dahil may kailangan siya."

"But--"

"Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan edi go, basta ang alam ko lang, mga manggagamit sila."

Natahimik siya sa sinabi ko.

I cross my arms at muling ipinikit ang aking mga mata. Narinig ko siyang napabuntong hininga pero hindi ko na lang pinansin.

***

Naalimpungatan ako ng maramdamang nakaangat ako. Iminulat ko ang aking mga mata at nagulat ng nakaangat nga ako ng literal.

"What the--" natigilan pa ako ng malamang si Taehyung pala 'tong bumubuhat sa akin.

"I can walk." inaantok kong usal habang pinipilit na bumaba.

"And I can carry you." bored niyang sagot.

"Ibaba mo 'ko."

Napasimangot ako ng umakto siyang walang naririnig. Shit naman! Nakaka-conscious kaya! Baka mamaya nabibigatan siya sa akin eh. Hindi na kaya ako nakakapasok ng gym simula nang dumating sila!

Nawala pa tuloy ang antok ko.

Hindi na ako nag-reklamo ng makarating kami ng parking lot at ipasok niya ako sa front seat ng kotse niya.

"Saan tayo pupunta? Gutom na 'ko." tanong ko ng makaupo siya sa driver seat.

"We will eat then."

"Bakit nag-e-english ka na naman? Akala ko ba gusto mong matuto ng Tagalog?"

"Patawad. Nakalimutan ko." nakanguso niyang sabi .

"Pa'no mo nalamang nasa hospital ako?" tanong ko.

"Sinabi sa akin ni Cyndhie."

"So, close kayo gano'n?" taas kilay kong sabi.

"'Wag ka nga diyan selos!" aba't--ang kapal talaga ng mukha niya!

"Hindi ako nagseselos 'no! Ang epal mong kumag ka!"

Napatawa pa siya ng makitang namumula ang mga pisngi ko. Selos ako?! Galing niya talagang mag-imagine.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Suga is nowhere to be found, hindi namin alam kung nasaan siya, bigla na lang nawala."

What? Bakit parang hindi ko yata napansin 'yon?

"Don't worry, nandiyan lang 'yon, siguro gusto lang magpahinga, sunod-sunod kaya ang mga natatanggap niyong projects."

Pero napaisip ako, baka wala na mag-offer sa kanila dahil sa kulang sila.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon