Tiningnan ko ang sarili ko mula sa salamin. Wala akong make-up ngayon and wala ring glasses. Nakasuot ako ng itim na hoodie, simple faded jeans, black pairs of chuck taylors, shades at naka-braid ang buhok ko.
I'm not Jack the nerd neither Lorraine the gorgeous, let's just say that, I'm Jack Lorraine. Napangisi ako bago isukbit ang itim kong backpack sabay sabit sa leeg ko ng kulay itim kong headphones.
Lumabas ako sa comfort room ng girls tsaka cool na naglakad habang nakasuot ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong hoodie. Habang naglalakad ako ay nililibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid hanggang sa mapahinto ako.
Target spotted.
Nanliit ang mga mata ko ng makitang nakakapit sa braso ni Taehyung si Eun Ji. I'm not jealous ok? They just really look like a shit. Sorry na lang siya at mukhang mapapaaga ang pagbalik niya ng Korea. Sumunod pa kasi eh, 'yan tuloy.
"Ok na Jack." narinig kong boses ni Ericka mula sa suot kong earpiece. Yep, another mission it is.
Hindi ko na lang siya sinagot at nag-antay pa ng mga ilang oras para sa signal niya.
"It's your turn."
Huminga ako ng malalim ng makitang papalapit na sila sa pwesto ko 'tsaka mabilis na tumakbo sabay hablot sa fake niyang signature bag. Habang tumatakbo ako ay naririnig ko pa ang mga tili niya. Humingi pa ng tulong si bruha pero hinuli naman siya ng mga guard.
Oh my God! Mission success.
Napahinto ako bigla sa pagtakbo ng biglang may humigit sa braso ko at pinihit ako paharap.
"Ouch!" daing ko dahil kasalukuyan na niya ngayong iniipit ang mga braso ko sa likuran ko.
"Give me the bag, crazy little thief." nanigas ako ng marinig ang boses na iyon, Boses ni suplado?!
Napalunok pa ako ng makitang sobrang lapit pala niya sa akin. Mabilis kong ibinato 'yung hawak kong bag kaya napabitaw siya sa akin, pero bago pa niya makuha 'yon naunahan ko siya. Tapos nagtatakbo na naman ako palayo hanggang sa marating ko 'yong exit.
Saktong paglabas ko ay ang paghinto naman ng isang Ducati sa harapan ko kaya mabilis akong sumakay.
"Success na naman tayo!" sigaw ni Cyndhie sabay tawa na kasalukuyan ngayong nagmamaneho.
"I know right." 'tsaka ako nakahinga ng maluwag. That's close.
***
"Grabeng utak na talaga ang meron ka Jack!" singhal ni Cyndhie habang inaayos ang buhok niya. Sumandal lang ako sa inuupuan ko at hindi siya pinansin. Hindi pa nga nila alam 'yung totoo kong ginawa eh.
Sana lang talaga hindi na makabalik 'yung bruhang 'yun dito. Duh? Todo effort kaya 'yung ginawa ko doon.
"You're unbelievable!" sulpot naman ni Ericka pagkapasok na pagkapasok niya ng headquarters. Na agad namang binuksan 'yung television.
Nasaan naman kaya si Andrea? Sa huling pagkakaalam ko magkasama sila ni Ericka eh. Ibinaling ko na lang ulit 'yung atensiyon ko sa TV.
"Oh my God!" sabay-sabay na sigaw nila matapos marinig 'yung sinabi ng news reporter. I flip my hair bago sila ngisian.
"Why didn't you tell us?!" galit na namang sigaw ng kontrabidang bruha a.k.a Ericka.
"Tanim bala ah? Shocks! We're going to jail because of this."
"Don't worry, never mangyayari 'yon" sagot ko sa sinabi ni Cyndhie. Ang OA nila. Jeez. Napalingon kaming lahat sa telephone ng bigla iyong mag-ring. Nagkatinginan pa kami para malaman kung sino ba ang sasagot.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...