Chapter XXXIV (Stuck)

203 74 76
                                    

"The fuck Suga! You scare the shit out of us!" nanlalaking matang sabi ni Jin. Palihim akong napangisi.

So gay.

"I'm sorry"

Napabaling ang tingin ko kay Suga. Maski ako ay nagulat ng ma-realize na siya pala ito. Iba kasi ang itsura niya, bukod sa madumi ang mukha niya at magulo ang buhok parang dumaan din sa kung ano ang damit niya.

"What happened to you?" naunahan pa ako ni Taehyung sa pagtatanong.

"Long story" 'tsaka siya bumaling sa akin "Jackie, pakisabihan na lang ang kaibigan mo na humanda siya kapag nagkita ulit kami" sabi pa niya

Nangunot ang noo ko "Huh? Wait. 'di ko get's, ano bang nangyari?"

"Long story nga. 'wag na kayong mag-tanong, naiirita ako eh"

Aba't--ang epal ng kumag na 'to!

Dahil gorgeous naman ako, hinayaan ko na lang siya

"Eh kayo? Bakit kayo nandito? May pagkain ba kayo diyan? Gutom na ako" nakasimangot niyang wika

Kami bawal magtanong pero siya, wow naman.

Nagulat pa ako ng bigla niyang kinuha ang hawak kong strawberry cupcake, hindi niya kinain kasi nilamon niya. Heck!

Nakatanga lang kaming lahat kay Suga habang pinapanood siyang lumamon.

"Oh ano na? Ano bang nangyari sa inyo?" tanong niya habang ngumunguya pa rin, just ew!

"Balak sana namin magbakasyon sa Baguio, then this, nasiraan kami tapos wala pa kaming dalang phone" sagot ni Rapmonster sabay shrugged

"Eh kung hindi mo sana kinuha ang phone namin diba?"

Napabaling ang tingin namin kay Jimin na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay.

"Wow, and now your blaming me?! Ang gusto ko lang naman makapag-relax tayo!"

"Relax?! At paano naman tayo mag-r-relax ngayon?! Kasalanan mo 'tong lahat eh! Kung hindi mo sana pinairal ang pagiging bossy mo e'di wala tayo dito ngayon!"

Biglang sinapak ni Rapmonster si Jimin kaya nag-simula nang magkagulo.

"Stop it guys! Walang maitutulong 'yan!" sigaw ni Jungkook at akmang lalapit na sa kanila para sana pigilan pero hinarangan naman siya ni Jin

"'Wag ka ngang mangialam! Away nila 'yan! Pakialamero!" hindi pa nakuntento si Jin at tinulak pa si Jungkook

What the shit is happening?!

Pinanood ko lang sila habang nag-aaway. Hindi ako kumilos mula sa pagkakaupo ko.

Nagpapalitan na ng suntok si Rapmonster at Jimin at kahit si Taehyung ay hindi sila maawat, hindi ko alam pero pakiramdam ko may pinanghuhugutan 'tong dalawang 'to, personal na bagay siguro.

Samantalang si Jin at Jungkook naman hindi mapatigil ni Suga, nag-t-talk shit-an pa. Paksiyet! Dahil 'to sa akin eh!

Umaayon ang lahat base sa plano ko, unti-unti silang nagkakasiraan, pero shit! Bakit pakiramdam ko may mali?!

Napadako ang tingin ko kay J-Hope na chill lang sa isang tabi. I wonder why.

Napasinghap ako ng makitang nasuntok ni Jimin si Taehyung. Akmang tatakbo na sana ako papalapit doon ng biglang sumigaw si Taehyung.

"Putang ina!"

Natigilan ang lahat at biglang tumahimik, hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa nagmura ng tagalog si Taehyung o sadyang napalakas lang ang sigaw niya.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon