Chapter IV (Broken)

430 140 10
                                    

"Why did you do such a thing like that,Jack?!" nakapamewang na sabi ni Ericka habang nakatayo sa harapan ko, nakakarindi kaya!

"I don't know, I don't really know." pabulong na sabi ko sabay talukbong ng kumot pero may humigit noon dahilan para mapasimangot ako.

Na-blangko lang naman talaga ako noong mga time na 'yun dahil nga lahat ng plans namin ay hindi umepekto. I didn't really expect na gagawin 'yun ni Taehyung, sa pagkakaalam ko hindi niya ugaling gawin 'yun sa mga fans niya. Pero sino nga ba ako? Nag-kamali lang pala ako sa pagkakakilala sa kanya.

"He humiliated you!" Sigaw ni Andrea, yeah right, buti na lang at nahigit niya ako sa crowd bago pa ako mamatay sa sobrang sikip.

"In front of so many people." dugtong pa ni Cyndhie.

"Grabe, I'm still shocked because of what he did, duh? Pwede kayang makasira sa image nila 'yun, dumping a fan like that?" iiling iling na sabi ni Cyndhie pero nanatili na lang akong tahimik .

"Maybe he has a reason."

"So, sa tingin mo ano namang rason 'yun?, nang dahil ba sa pangit ang itsura ni Jack back then?"

Kailangan pa ba talaga nilang ipamukha sa akin lahat 'yun? Bullshit, pasalamat sila at hindi naka-on ang bitch mode ko ngayon.

"Can you please stop it guys?. Mas mabuting huwag niyo na lang ipaalala sa kanya para maas mabilis siyang makapag-move on."

Napalingon naman kami kay Mae na may hawak na libro habang nakaupo sa swivel chair ko. Move on? Do I really have to do that?

"Oo nga, move on, kailangan mo iyon!, maganda ka naman, sexy at mayaman. So, madali lang sayo ang makakuha ng ibang lalaki
" nakangising sabi ni Andrea kaya napa-cross arms na lang ako. Gusto ko sanang sabihin na si Taehyung lang talaga ang gusto ko pero baka masabunutan pa ako ng mga ito.

"Yeah, yeah, right, bar tayo ano?"

Inirapan ko si Cyndhie dahil sa sinabi niya, party girl talaga ang bruha, bad influence.

"Ayoko, I think mag-f-focus muna ako ngayon sa study" nakangiti kong sabi, wow, I smiled, achievement.

Nagkatinginan naman ang apat bago magtawanan kaya once again napasimangot na lang ako.

"Si Jack Lorraine, mag-aaral? Whoa, that was a miracle!" nagpantig naman ang mga tenga ko ng marinig ang sinabi ni Andrea, kanina pa talaga namumuro ang bitch na ito sa akin simula kanina pa.

Napatigil sa pagtawa ng makitang madilim na naman ang mukha ko.

"O-ok? Manuod na lang tayo."

Napangiti ako dahil sa naging reaksiyon nila, takot pa rin pala sila sa akin eh.

Kinuha ni Ericka ang remote control tsaka binuksan ang flatscreen television na nasa harapan namin.

Napahinto ako ng makita kung ano ang nasa TV.

Si Taehyung at si Eun Ji, they're on a interview, magkag-holding hands at nakangiti habang nakaharap sa camera. Shit, what is the meaning of this? Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako ni-reject?. Eff, ang sakit. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko ng biglang isara ni Ericka ang television.

"Turn it on! manunuod ako!" Sigaw ko habang pinipilit agawin ang remote control sa kanya pero bigla niya iyong pinasa kay Andrea tapos pinasa kay Cyndhie then lastly kay Mae na bigla iyong binato dahilan para masira.

Napahilamos naman ako sa aking mukha ng maramdaman kong tutulo na naman ang mga luha ko. Bullshit na buhay, ayoko ng umiyak! Ayoko na!

He doesn't deserve my tears, for Pete's sake!

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon