"I'm sorry talaga Jack! It's all my fault, ako ang nakaisip ng ideyang ito, kaya please forgive me!" Nakayukong sabi ni Andrea habang si Cyndhie naman ay nasa likuran niya.
"Oo nga sorry na Jack! We just want to surprise- I mean help you." inirapan ko si Cyndhie as a response, dudulas pa ang bruha.
"Wala naman kaming ginawang masama, we did what we did kasi alam naming kailangan mo ng information about BTS." taas noong singit naman ni Ericka.
"Sino kayo?"
Halos malaglag ang panga nila sa naging sagot ko.
"Jack!" Sabay sabay na sigaw nila kaya napaupo na lang ako ng maayos at humarap sa kanila.
"Alam ko naman iyon, kaya bakit kayo ngumangawa sa harapan ko?"
"You mean, hindi ka galit?!" Tumango lang ako kay Cyndhie bilang sagot tsaka inabot sa kanila ang paperbags na kanina ko pa hawak.
"What the eff? Bakit ba mahal na mahal mo ang pag-d-disguise?!" sigaw ni Ericka matapos makita kung ano ang laman ng bag.
"Tanga ka ba o sadyang bobo lang? Naimbento ang pag-d-disguise para walang makakilala sa atin, sa tingin mo anong mangyayari kapag nakilala nila tayo? Pati pamilya natin madadamay sa kahihiyang gagawin natin!" And that made her shut up, tsk. mukhang lumalala ang ugali niya kumpara dati.
Nakasimangot silang nagpalit ng mga damit samantalang ako naman ay tinawagan si Mae to inform her na ngayon na namin gagawin ang pinaka-last at ultimate kong mission, kapag talaga hindi nag-work ito, I swear uuwi ako ng Pilipinas at hindi na kailan man magpapakita sa mga impokritong BTS na 'yan.
Nang makapag-ayos kami ng itsura ay tsaka ko sinabi sa kanila ang naging plano naming dalawa ni Mae. Nag-over react pa nga sila na baka ikamatay ko daw ito, but who cares? Patay kung patay ang mahalaga makaganti ako sa BTS, eh parang pinatay na nga din nila ako ng basagin ng hinayupak na Taehyung na 'yan ang precious kong ego.
Pagkatapos kong ipaliwanag sa kanila ang dapat gawin ay pumasok na kami ng kotse atsaka inabot ko kay Ericka ang isang box kung saan ko nilagay ang magiging alas ko.
"What's this?"
"Kapag namatay ako, ilabas niyo 'yan sa media, at for sure sira ang BTS kapag nagkataon." paliwanag ko sa kanya habang nagsisimula ng paandarin ang kotse.
"Hey! Huwag ka ngang mag-salita ng ganyan Jack, you can do it, ikaw si Jack diba?"
I smiled at her. A sincere one.
"Jack, sure ka ba sa gagawin mo?" biglang sabi ni Cyndhie ng saktong huminto ang kotse ko sa tapat ng isang hotel, it's already past in the evening at tatlong minuto na lang ang kailangan nasa pwesto na dapat ako kung hindi siguradong my plan will be ruin.
"Para saan pa at nag-plano tayo, kung hindi ko gagawin?" bored na sagot ko sabay rolled eyes.
"Mahal na mahal mo talaga siya, nuh?" singit naman ni Ericka kaya naman napahinto akong bigla, the eff? Ano bang sinasabi ng isang ito?
"Nope, I just want a revenge, no more, no less." nakangising sagot ko, and absolutely that's the truth,
I don't even loved him, I just liked him before, pero ngayon nabura lahat ng iyon dahil sa ginawa niya, that bastard! Nagsisisi talaga ako kung bakit ko pa nagustuhan ang halimaw na iyon!, I so damn hate him to death.
"Sige na nga, sabi mo 'yan eh, good luck na lang sayo kung magawa mo." sabi niya pa habang nakanguso
Planado ko ang lahat at kontrolado pa, kaya I'm pretty sure na imposibleng pumalpak ako, and hindi lang naman ako ang makikinabang kung hindi sila rin naman, swerte lang nila at isang diyosang katulad ko ang gagawa ng ganitong kadelikadong bagay.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...