Chapter XLI (Coincidence?)

163 67 10
                                    

"Bakit bihis na bihis kayo?" tanong ko kaagad paglabas ko ng kwarto

"Mag-bihis ka na, babalik na tayo ng Korea" malamig na sabi ni Mingyu pero hindi ko siya pinansin at bumaling kay DK

"Bakit babalik tayo? Tapos na ba 'yong dapat niyong gagawin?"

"Actually princess, no, hindi pa--"

"Babalik na tayo sa ayaw at sa gusto niyo" putol ni Mingyu sa sinasabi ni DK

Umirap ako sabay cross arms

"Kayo na lang, ayaw ko na do'n"

Tinalikuran ko sila at akmang papasok na nang may humawak sa braso ko.

"'wag mo ngang pairalin 'yang katigasan ng ulo mo! Pack your things!" sigaw naman ni Mingyu.

Inirapan ko siya at inalis ang pagkakahawak niya "Fine, kung 'yan ang gusto mo"

Hindi ko na siya inantay na sumagot at dumiretso na lang ng kwarto. Ni-lock ko muna bago ako magsimulang mag-impake.

Unti lang ang nilagay kong gamit kasi isang bag lang naman ang pwede kong dalhin.

Pagkatapos kong makapagbihis ay napahiga ako sa kama.

Ilang araw ko ding pinag-isipan ang bagay na 'to. Ayoko talaga nang nasasakal ako kaya kailangan kong gawin 'to.

Pakiramdam ko din kasi may kulang. Mero'n silang hindi sinasabi sa akin, at gusto kong malaman kung ano 'yon.

Bumangon ako at bitbit ang bag ko bago walang pagdadalawang isip na lumabas mula sa bintana. Walang hirap akong nakalabas ng mansion. Like duh! Planado na kaya 'to.

Sumakay ako sa taxi hanggang sa makarating ako sa pupuntuhan ko.

Big Hit Entertainment.

May natanggap kasi akong offer sa kanila, sayang naman kung tatanggihan ko lang.

Pumasok ako ng elevator at akmang sasarado na 'yon nang biglang may pumasok.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at pinindot ang number ng floor kung saan ang tungo ko.

Tahimik lang sa elevator at pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Nakakailang.

"You're alive"

Muntik pa akong mapatalon pa ako nang biglang mag-salita ang lalaking nasa tabi ko dahilan para lingunin ko siya.

He's wearing a mask, cap and an aviator shades kaya hindi ko makilala ang itsura niya.

"Excuse me?" paninigurado ko kung ako ba ang kinakausap niya

"Totoo nga 'yong sinabi nila. Wala ka ng naaalala" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

"Do I know you Mister?"

Muntik na akong mapasinghap ng lumapit siya sa akin, as in sobrang lapit.

Gusto kong magpapalatak lalo na nang hawakan niya ang mga kamay ko pero pakiramdam ko nawala ako sa sarili nang maamoy ang pabango niya.

"Of course, you know me"

Nagkatitigan kami kahit na may suot siyang shades, tumatagos ang mga titig niya kaya 'di ko rin maiwasang mapatitig sa mga mata niyang natatakpan.

Gusto kong sapukin ang sarili ko ng maramdamang kumakalabog ang puso ko.

Why am I feeling this?!

Hanggang sa namalayan ko na lang na wala na pala siya sa harapan ko at nakalabas na ng elevator.

Napatulala ako at napatingin sa mga daliri ko nang may maramdaman ako.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon