"So, your still a Deneris right?, nakakasuka naman kasi kung maging Mae Jeon ka!"
"Ang kapal naman ng mukha mo! Magiging Jeon din ako, 'no, kapag naging mag-asawa kami!" Sigaw niya kaya napatawa na lang ako. Ang lakas mangarap eh.
"How about your studies?"
"Makaka-graduate pa rin ako kahit hindi ako pumasok. Hey! Your changing our topic! Ang usapan natin dito ay tungkol sa inyo ni Jungkook ah! Hirap kasi sayo napakahilig mong magtago ng secret eh." nakangusong sabi ko.
"Kailangan paulit-ulit? God Jack! Hindi naman ako aware na destiny pala akong naampon ng mga magulang niya kaya 'wag mo 'kong sumbatan diyan na naglilihim ako sayo." sabi ni Mae sabay irap.
Si Jungkook pala 'yong matagal na niyang sinasabing brother daw niya na hindi pa niya nakikita. What a small world nga naman oh. Ang buong akala ko pa naman mag-kapatid sila, kung nagkataon Incest 'yun. Kadiri. Buti na lang talaga't hindi.
Ipinaikot ko ang inuupuan kong swivel chair habang pinaglalaruan ang hawak kong strawberry shape keychain. "Bakit kasi hindi mo na lang hanapin ang mga totoo mong mga magulang?"
Bumangon siya mula sa pagkakahiga. "So, tungkulin ko pang hanapin sila, gano'n?"
Sabi ko nga, mukhang ayaw niya yatang pag-usapan ang tungkol do'n.
"Bakit may palungko-lungkot ka pang nalalaman diyan? Eh pwede pa rin naman kayo. Hindi kayo mag-kadugo, duh!"
Napabuntong hininga ulit siya. "Hindi pwede, atsaka ayaw nila mo-- I mean ng mga magulang niya na sabihin ko sa kanya ang totoo. Gusto kasi ni Kookie ng little sister na talagang maituturing niyang totoong kapatid at ang masaklap naging ako pa 'yon. Na-gets mo ba?"
"Anong akala mo sa akin tanga? Eh ikaw nga ang tanga dito, ang dali-dali ng solusyon sa problema mo. Umamin ka lang kay Kookie na hindi kayo tunay na mag-kapatid solve na 'yan eh." nagulat pa ako ng bigla niya akong batuhin ng unan.
"Hindi kasi ako katulad mo Jack, kung gagawin ko 'yon parang ang selfish ko, siyempre iisipin ko muna kung ano ba 'yung mararamdaman ng mga magulang niya-- I mean namin pala, atsaka sa tingin mo ba maniniwala siya sa akin kung kabaligtaran naman ang sinasabi ng mga magulang niya?" Mahabang litanya niya.
Ibinato ko pabalik ang unan sa kanya. "Ewan ko sayo, ang dami mong alam, basta ang akin, ang swerte mo kasi gwapo ang kuya mo."
Napangisi ako ng bigla siyang napasimangot.
"Sorry Jack, ngayon palang sinasabi ko na sayong kailangan ang permiso ko kapag nag-girlfriend siya."
Mukhang nakalimutan niya yata ang tungkol kay Lorraine ah.
"So, pasado na ba ako?" Lalong sumama ang tingin niya sa akin kaya napatawa na lang ako. Hindi talaga mabiro.
"Hey, ano nga pa lang nangyari kay Ericka? Kinakalaban ka yata ng mga bruhang 'ykn ah."
Tumigil ako sa pagtawa at muling inikot ang swivel chair so that nakaharap na ako sa salamin.
"I dunno, bigla na lang naging gano'n 'yon eh. Weird. May alam ka ba?"
Nag-shrugged lang siya kaya iniba ko na lang ang topic namin.Kung ano-ano pang napag-usapan namin bago biglang sumulpot si Kookie sa kwarto.
"Hi Jack, kunin ko na si Mae, may pupuntahan pa kasi kami eh."
Fishy na naman. Date? Nah. Mag-kapatid nga pala sila.
"Okay, saan punta niyo?" Usisa ko habang nakatitig sa pormadong si Jungkook.
"None of your business." singit ni Mae na ngayon ay nakadikit na kay Kookie at nakahawak pa sa braso. Nginitian lang ako ni Kookie bilang sagot, ayaw pa sabihin.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
JugendliteraturJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...