"Meron kasing iba diyan! Na hindi mapakali hangga't hindi nakakaganti!" Pairap na sabi ni Ericka.
Nakatitig pa rin ako sa mga buhok nila. Geez. Shoulder length na lang ang haba noon. Napailing na lang ako. Para sa amin kasi, buhok ang pinaka-inaalagaan namin, never pa kaming nagpagupit ng ganyan kaikli, buti na lang hindi ako kasama. At buti na lang din naisipan nilang mag-suot ng disguise.
"Where's Mae?" takhang tanong ko.
"Saan pa ba? Edi 'yon, nagpapaka-workaholic na naman, ewan ko lang kung kailan babalik 'yon." sagot ni Cyndhie.
Napatango na lang ako pero napadako ulit ang tingin ko sa itsura nila.
"Sinong gumawa niyan sa inyo?!" sigaw ko.
"Bakit kaya hindi mo tanungin 'yang mga bitbit mo?" sagot ni Andrea.
Nilingon ko naman 'yung pito tsaka tinaasan ng kilay.
"They deserve it." walang pakialam na sabi ni Taehyung. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakabaling pa rin ang atensiyon niya sa hawak niyang CP, ka-text siguro 'yung bruha niyang girlfriend.
Bumuntong hininga na lang ako tsaka umupo. Wala naman akong mapapala kung aawayin ko siya.
"Ako na lang hihingi ng tawad sa ginawa ni V. Sorry girls, huh? Ok lang 'yan, maganda pa rin naman kayo kahit ganyan ang buhok." nakangising sabi ni Jin.
Blank expression pa rin ang mga mukha nila. Hindi pa rin talaga nila tanggap o kunwari lang 'yun?. Geez!
"Anyway, bakit ba may dala kang mga asungot dito?" tanong ni Cyndhie.
"Kailangan kasi nila ng tulong. You know? hindi nila kabisado ang Pilipinas." pinanlakihan ko sila ng mata para hindi na sila magtanong pa.
"So? Pakialam ko naman sa kanila."
"Baka naman kasi may alam kayong lugar kung saan sila pwede, 'no?" sagot ko ulit sa kanya.
"Hindi pwede sa amin." halos sabay sabay na sabi nila kaya napabuga na naman ako ng hangin. Hindi pwede o ayaw nila? Choosy ng mga bruha, kunwari pa eh.
"Mag-uusap tayo mamaya."
Geez wala na akong choice, hindi ko naman sila mapipilit. Tumayo na ako tsaka lumabas ng headquarter sabay pasok sa van habang 'yong pito nakasunod sa akin.
Sana lang pumayag si mom at dad. Bakit pa kasi ako nag-prisinta na tulungan sila eh, 'yan tuloy ako ang namo-mroblema ngayon.
Huminto ang sasakyan sa harap ng mansion namin kaya agad akong bumaba habang nakasunod pa rin sila sa akin.
"Jack, nandito ka na pala." salubong niya sa akin, napalingon siya sa likuran ko kaya ako din.
"Mrs. Belvis." sabay nag-bow silang lahat, napataas ang kilay ko sa ginawa nila, anong meron?
"What the--" natigilan si mom ng biglang mag-ring ang phone niya kaya nag-excuse muna siya sa amin at pumunta ng kusina to take the call, medyo pinakatitigan pa niya ang grupo kaya nagtaka ako.
Napadaing akong bigla ng may sumiko sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Jin.
"Ano bang problema mo diyan!?"
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na anak ka pala ni Mrs. Belvis?!" talak niya habang nanlalaki ang mga mata.
"Ano? ano namang meron?" iritado kong sabi. Nagkatinginan silang lahat kaya lalo pa akong nagtaka.
"Alis na tayo dito!" sabi ni Suga, akmang lalakad na siya palabas pero nahawakan ko agad ang luggage niya.
"Bakit?" kunot noong tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Genç KurguJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...