Para kaming mga bato ngayon habang nakatitig lang sa pitong gwapong nilalang na nasa harapan namin, I clear my mind tsaka tumikhim para mabalik sa wisyo ang apat. Napalingon naman sila sa pwesto ko pati ang pito, siyempre kasama siya kaya kumalabog na naman ang puso ko.
"So, let's start?" thank God I manage not to stutter habang nagsasalita.
Nagsi-ayos naman ng pwesto ang pito kaya lumakad na rin kami papalapit sa kanila. Napakagat ako sa aking labi pilit na pinipigilan ang pag-ngiti, shit, hindi ko alam na magiging ganito pala kadali ang misyon ko. Napalingon ako sa mga kasama ko.
Pinanlakihan ko ng mata si Cyndhie ng makitang nanginginig ang mga kamay niya habang kumukuha ng make-up kit. Huminga naman siya ng malalim at kinalma ang sarili niya.
Kumuha na din ako ng mga gagamitin ko tsaka lumapit kay Taehyung. He's so handsome as fuck! Nasa'n ang hustisya?! Kaya hindi nakakapag-takang ang daming babae ang nababaliw sa kanya.
Oh my God! paano ako mag-sisimula nito? Eff, I'm fucking doom! Kausap niya si J-Hope at talagang nagagawa pa nilang magtawanan, what to do? What to do?
I cleared my throat para makuha ang atensiyon nila, at hindi nga ako nag-kamali, nilingon niya ako, pero wala pa yatang limang segundo 'yun, tsk. kung hindi lang siguro ako naka-disguise edi sana napansin niya ako!. Dahil sa inis wala sa sarili kong kinuha ang foundation powder at nagsimulang mag-apply sa mukha niya.
Para akong inatake ng isang milyong boltahe ng kuryente nang mahawakan ko ang mukha niya. Shit naman oh! Ano bang nangyayari sa akin at ang lakas ng epekto niya?
Para hindi ako kabahan nilingon ko na lang ang apat at muntik na talaga akong mapa-face palm ng makita kung anong ginagawa nila
Si Ericka at Mae, parang nag-bubulungan at hindi yata makapag-decide kung sinong mag-m-make up kay Jungkook. Shit! I almost forgot na parehas pala sila ng bias, samantalang si Andrea at Cyndhie ang sama ng tingin sa isa't isa, pinag-aagawan si Jin. Eff, sa kanila papalpak ang mga plano ko
"Hey! Hindi pa ba kayo mag-sisimula?!" wala sa sariling sigaw ko at ngayon pinagsisihan ko kung bakit ko 'yun ginawa, Oh my God!
Nagsilingunan na naman sila sa akin, at this time mainit na ang ulo ko, bakit ba kasi ang tahimik?
"Ano?!" sigaw ko ulit habang pinagpapatuloy pa rin ang pag-make up kay Taehyung kahit kinakabahan pa rin ako
Nagsikilusan naman agad sila, si Ericka dumiretso kay Jimin, while si Andrea kay Suga at 'yung dalawa kanino pa ba? So ang vacant lang ay si J-Hope and RapMonster
"So, mga Filipino pala kayo? I can speak Tagalog"
Napalingon naman ako sa nag-salita at sandali akong natigilan ng malamang si RapMonster pala 'yun, is he talking to me? tutal ako lang naman ang malapit dito, why not to answer right?
"Obviously" bored na sagot ko dahil hindi naman ako masyadong intimidated sa kanya
"Wow, ang taray-"
"Can you stop flirting and do your job?"
Hindi na natapos ni RapMonster ang sasabihin niya ng biglang mag-salita si Taehyung. Muntik ng manlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses niya, so manly and masculine. Pero what the fuck he just said? Me? A flirt?. Kahit gusto ko ng mag-maldita pinigilan ko ang sarili ko, dahil si Taehyung ito, si V, hindi pwede ang bitch mode.
"Pag-pasensiyahan mo na, mainit lang ulo niyan" nakangiting pahabol pa ni RapMonster bago bumalik sa pagbabasa ng magazine. Wow, did I just saw his dimples?
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...